Ang TB ay naisasalin sa pamamagitan ng pagbahin at pag-ubo. Ang bacterium na tinatawag na mycobacterium tuberculosis ang dahilan ng TB. Ang mga sintomas ng pagkakaroon ng TB ay ang panghihina, kawalan ng lasa sa pagkain, pagbaba ng timbang subalit may pagkakataong hindi kakikitaan ng sintomas ang taong may TB.
Ang mahusay na diet ay mahalaga para hindi tamaan ng TB. Ang pagkain ng karne at isda ay malaki ang maitutulong para maiwasan at magamot ang TB. Kung kulang sa Vitamins B12 at D ang katawan malaki ang posibilidad na mahawahan ng TB. Ang mga taong anemic ay madali ring tamaan ng TB. Ang itlog, isda at dairy foods ay mayaman sa Vitamins B12 at D.
Mahalagang mapabakunahan ang mga bata para makaiwas sa TB. Ang pagpapahinga at pag-inom ng antibiotics sa loob ng anim hanggang siyam na buwan ang kailangan para lubusang gumaling sa TB.