WPD HQ: Maganda ang panlabas, mabaho naman ang loob
July 22, 2005 | 12:00am
BAGONG anyo ang Western Police District kaya kapansin pansin ang kagandahan sa kasalukuyan. Ito ay matapos pagtuunan ng pansin ni Manila Mayor Lito Atienza bilang tugon sa kahilingan ng kaibigan kong si P/Chief Supt. Pedro Bulaong ang tinaguriang over staying District Director. He-he-he! Iba na ang may pinagsamahan.
Mula sa masukal at madilim na harapan ng naturang gusali ay nagliwanag ito dahil sa bagong pintura, sinimento naman ang dati-rating bahaing lugar at tinaniman ng mga halaman upang lalong gumanda ang kapaligiran at maging hagdanan ay ginawan ng intablado para gawaran ng parangal ang mga pulis na karapat-dapat.
Para sa kaalaman ninyo mga suki, sinimulan ang konstruksiyon noong December 2004 bilang paghahanda sa ika-103 anibersaryo ng WPD subalit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa natatapos at sa tantiya koy milyun-milyon na ang inabot ng gastusin na galing sa kaban ng lungsod Maynila.
Kung kayoy masuwerteng makapasok sa loob ng naturang headquarters tiyak na luluwa ang inyong mata dahil sa makabagong anyo ng disenyo ng mga tanggapan sa loob. Kabilang sa maituturing mong bagong anyo ay ang opisina ng Theft and Robbery, Anti-Carnapping at Homicide Division.
Taas noo ang mga kapulisan sa pagbabagong anyo ng naturang gusali at abot langit ang pasasalamat sa magandang suportang ipinamalas ni Manila Mayor Atienza. At dahil sa magandang samahan nina Mayor Atienza at Director Bulaong maituturing na isang palasyo sa kagandahan ang naturang gusali. He-he-he! Kahanga-hanga naman!.
Ngunit ang ilan nating mga mamamayan ay may napapansin sa tuwing sila ay mapapadaan sa naturang lugar dahil nakikita nilang nakasarado at nakakandado ang mga gate ng naturang gusali. Ano kaya ang mahiwagang nakatago sa naturang gusali? May takot kaya ang ating mga pulis na baka sila malusutan ng terorista?
Mistulang garrison ng Hapon ang headquarters sa pananaw ng mga taong napapadaan. At kamakailan lamang mga araw ay nataranta ang mga dumaraan ng kanilang mapansin ang dalawang V-150 Armored Personnel Carrier, tatlong truck na puno ng mga PNP Special Action Forces ang biglang sumulpot sa harapan ng WPD. Nagkalat ang mga pulis na armado ng matataas na kalibre ng baril na sa pakiwari nila ay sasalakay sa giyera.
Ang akala nilay sinalakay na ng mga sundalo ang headquarters ngunit sa kalaunan ay napag-alaman nila na ang naturang mga pulis ay pansamantala lamang na inassign bilang paghahanda sa pagsalakay ng mga rebelde at upang pangalagaan ang seguridad ng Palasyo sa kasagsagan ng rally sa Makati ng mga oposisyon upang patalsikin si President Arroyo.
Mahigit isang taon nang nakasarado ang mga gate mula nang maupong director ang kaibigan kong si Bulaong, maging ang mga pulis ay nagrereklamo na dahil ang kanilang mga service vehicle ay kung saan-saan na lamang nakaparking dahil ipinagbawal na sa loob.
Ngunit ang mga opisyales ay may kanya-kanyang parking sa gawing likuran ng naturang gusali, eh sino pa nga ba naman silang mga pangkaraniwang pulis lamang. He-he-he! Wala silang magagawa kundi ang sumunod na lamang sa kautusan ni Bulaong.
Maging ang mga palikuran ay mababaho at talaga namang umaalingasaw ang amoy. Matagal na nila itong reklamo ngunit hanggang sa kasalukuyan, hindi binibigyan ng pansin. Sayang ang panlabas na kagandahan kung mabaho naman ang kaloob-looban. Di ba mga suki? Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended