Kaso ng 2 parcela ng lupa

NOONG March 29, 1941 sinukat at inaprubahan ng Bureau of Lands ang dalawang parcela ng lupa sa Tagaytay na may lawak na 438,018 metro kuwadrado sa pangalan ng mga tagapagmana ni Romero. Ngunit nong April 11, 1962 lang nagsampa ng aplikasyon ang pamilya upang tituluhan ang nasabing lupa sa ilalim ng Torrens system. Nang ipinag-utos ng Regional Trial Court (RTC) na tituluhan na ang lupa, sinabi ng Land Registration Commission (LRC) na hindi na puwedeng tituluhan ito dahil ang nasabing lupa ay sinakop na ng titulo No. 157 sa ngalan ni Martin mula pa noong Mayo 23, 1953. Sa katunayan nga, ang ikalawang parcel ay naipagbili na sa ibang tao, naisangla na sa banko at nailit. Lumalabas na hindi napuna ng LRC na ang lupa pala ay may aprubadong plano na ng Bureau of Lands.

Dahil dito, binawi ng RTC ang unang utos nito noong April 11, 1962 na patituluhan ang dalawang parcel sa pangalan ng mga Romero. Sabi ng RTC na magsampa na lang sina Romero ng aksyon para mabawi ang lupa at ibalik ito sa kanila. Tama ba ang RTC?

TAMA
.
Maaaring magsampa ng ordinaryong aksiyon upang bawiin ang lupa. Ngunit kung ito ay binili na ng ibang tao, ang remedyo na lang niya ay kumulekta ng danyos sa taong nagpatitulo ng mali. At kung bankarote na ang palsipikador, maaari siyang humabol sa assurance fund ng gobyerno sa loob ng anim na taon.

Sa kasong ito, May 23, 1953 pa nakuha ni Martin ang titulo kaya di na maku-kuwestiyon. Sa kabilang dako, naisalin na rin sa ibang tao ang titulo. Yung isa nga ay napunta na sa banko. Kaya ang nalalabing remedyo ng mga Romero ay kumulekta ng danyos kay Martin kung mapapatunayan nila na natituluhan ni Martin ang lupa sa pamamagitan ng pandaraya. Maaari rin silang humabol sa Assurance Fund ng Gobyerno. (Heirs of Roxas vs. Garcia, et al., G.R. 146208, August 12, 2004)

Show comments