"Patuloy kaming nakatutok sa iyo, Benjamine Quinto!"

MATAPOS mahulog sa patibong ng pinagsanib na pwersa ng NBI-NCR at BITAG ang itinuturong utak ng sindikato ng escort service sa Metro Manila na si Benja-mine Quinto, nanganganib na muli itong makabalik sa dati niyang modus.

Ito’y dahil sa kawalan ng sapat na ibedensya sa kasong isinampa ng NBI-NCR sa Quezon City Hall of Justice.

Kasong rape lamang ang naisampa kay Benjamine Quinto, gayong tukoy na naman ang bulok nitong modus, ang escort service na mala-pizza delivering prostitusyon.

Makikita ang bulok na estilo ng pangangalakal ni Quinto hindi lamang sa mga pangunahing broadsheet sa bansa, kundi maging sa kilalang classified magazine, ang Buy and Sell…

Sa service at tourism section karaniwang makikita ang pang-akit na ad ni Quinto. Mga kolehiyalang may edad 18 — pataas ang kaniyang kalakal…

Bukod dito, may website din itong escort service ni Quinto, ang philbeauties.com, kung saan mala-catalogue na naka-display ang hubad na larawan ng mga batang kababaihan.

Maging ang cellular phone na narekober mula kay Quinto, kumpleto ng mga pictures at videos ng mga aplikanteng escort na dumaan muna sa kanyang mga pambababoy. Ang lahat ng ito, dokumentado ng BITAG at NBI-NCR.

Ngunit dahil sa padalos-dalos na pagkilos ng ilang ahente ng NBI-NCR, hindi nasunod ang planong napag-usapan. Dahil dito, maraming bagay ang naglaro sa aking isipan...

Sa mga ads sa Buy and Sell at website, malinaw ang pagso-solicit ni Benjamine Quinto ng prostitusyon. Alam ito ng NBI-NCR ngunit nakasentro lamang sila sa reklamong panghahalay ng biktima at dating escort girl ni Quinto.

Maaaring nakalusot ka sa unang paghaharap Benjamine Quinto. Pero sinisiguro naming patuloy kaming nakatutok sa iyong mga bulok na sistema ng pangangalakal…

Ngayong alam na namin ang takbo ng iyong modus, pinaliliit mo lamang ang mundong iyong ginagalawan…

Hindi ka maisasalba ng mga pulitikong ginagamit mo sa iyong bulok na negosyo at personal na kapritso.

Show comments