^

PSN Opinyon

Kung para sa Diyos at para sa tao

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ISANG palaisipan ang makukuha natin sa pagbasa sa Ebanghelyo sa araw na ito (Mt. 12:1-8).

Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan si Jesus sa triguhan. Nagutom ang mga kasama niyang mga alagad kaya kumuha sila ng uhay at kinain ang mga butil. Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kanya, "Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Bawal iyan kung Araw ng Pamamahinga. Sumagot si Jesus, "Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at ang kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumain ng tinapay na handog sa Diyos at pinakain din niya ang kanyang mga kasama. Labag sa Kautusan na kanin nila ang tinapay na iyon sapagkat ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon. Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kautusan ni Moises na tuwing Araw ng Pamamahinga, lumalabag sa batas tungkol sa araw na ito ang mga saserdote sa templo, gayunma’y hindi nila ipinagkakasala iyon? Sinasabi ko sa inyo, naririto ang isang higit na dakila kaysa templo. Hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang sala kung alam ninyo ang kahulugan ng mga salitang ito, "Habag ang ibig ko, hindi hain." Sapagkat ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao.’"


Paanong lumalabag ang mga saserdote sa templo na hindi naman nila ipinagkakasala?

Bahagi ng tungkulin ng mga saserdote sa templo ay maglingkod sa Diyos at sa tao, kahit na sa Araw ng Pamamahinga. Subalit ayon sa Kautusan, hindi dapat gumawa ng anuman sa Araw ng Pamamahinga bilang paggalang sa araw ng Diyos. Sa pagganap ng kanilang tungkulin sa Araw ng Pamamahinga, lumalabag ang mga saserdote sa Kautusan. Datapwat hindi nila iyon ipinagkakasala sapagkat paglilingkod sa Diyos at sa tao ang kanilang ginagawa. Samakatwid, ang gumawa para sa Diyos at sa tao ay mas higit ang importansiya kaysa sa pag-obserba ng Araw ng Pamamahinga.

ANAK

ARAW

BAHAGI

BAWAL

DIYOS

ISANG ARAW

KAUTUSAN

PAMAMAHINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with