^

PSN Opinyon

Niyayanig si GMA pero nasa likod niya si FVR

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
BUMUBUHOS pa rin ang panawagan na mag-resign si President GMA. Sa dami nang humihiling na siya ay magresign, hindi naman malaman kung ano ang pakay. Ang iba ay halatang may itinatagong agenda o pansariling interes.

Ilang araw nang pinagtatalunan ang pagbi-bitiw ng 10 Cabinet members. Matindi ang naging panawagan nila na magbitiw na si GMA sapagkat wala na itong kakayahang mamuno. Hiniling din ni dating President Aquino na magbitiw si GMA para sa ikabubuti ng bansa.

Naiiba ang panawagan ni dating President Ramos. Hindi niya pinagbibitiw si GMA kundi dapat nitong pamunuan ang isang konseho na pansamantalang magpapatakbo habang ipinoporma ng Kongreso ang pagpapalit ng gobyerno sa parliamentary.

Ang planong ito ni Ramos ang nais sundin ni GMA kaya hindi siya tumitinag para mag-resign. Matimbang kay GMA ang payo ni Ramos. Noon pa man pinapakinggan na ni GMA ang dating Presidente.

Niyayanig si GMA sa mga buhos ng kahilingang magresign. Pero sa kabila niyan, sinisikap pa rin niyang maging mahinahon sa pagkakaupo. Abangan natin kung ano ang kahihinatnan ng mga pagyanig.

ABANGAN

GMA

HINILING

ILANG

KONGRESO

MATIMBANG

MATINDI

PRESIDENT AQUINO

PRESIDENT RAMOS

RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with