^

PSN Opinyon

Illegal logging sa San Jose del Monte mababaon sa limot

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HINDI titigilan ng mga kuwago ng ORA MISMO ang isyu tungkol sa illegal logging sa Sitio Ilas, Brgy. Isidro, San Jose del Monte City hanggang walang malinaw na aksyon ang taga-DENR regarding this.

Tulog ka pa ba Mr. Ric Calderon, DENR Regional Technical Director for Forestry ng Region 3? Alam mo na kaya ang nangyari sa hurisdiksiyon mo?

Tatlong personeros sina Jerry Supnay, Jr. Aliaga at Wilson Dugtong, pawang taga-Calawis, Antipolo ang kinasuhan ng mga authorities dahil sila lang ang nasa itaas ng bundok nang salakayin ng mga alagad ng butas, este mali, batas pala ang nasabing lugar.

Si SJDM Vice Mayor Rey San Pedro ang bumulabog sa illegal logging kaya nagulantang ang mga gago rito. Up to now, wala pang linaw kung sino ang utak sa illegal logging, ayaw kasing kumanta ang mga tekamots. Isang Ric Medina ang isinisigaw na utak sa ilegal na pagtotroso pero sino nga kaya ito?

DENR Secretary Mike Defensor, dehins mo ba talagang kilala ang tekamots na ito?

Kaya nangangamba ang mga kuwago ng ORA MISMO na mababaon na ito sa limot. Sabi nga, whitewash!

Sa fax letter ni Virgilio V. Vitug, DENR Director ng Public Affairs Office, na noon pang June 22 umaksiyon ang kanilang people regarding this issue. Nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO kay Virgilio porke binabasa pala nila ang Chief Kuwago.

For your information, Virgilio, ang illegal logging na sinasabi ng mga kuwago ng ORA MISMO ay matagal nang nangyayari sa kabundukan ng Brgy. Isidro. Marami na ngang mansion at magagarang resort ang naitayo ng mga gago sa pagpuputol ng troso riyan.

Hindi lang ngayon nangyari ang putulan ng kahoy sa Brgy. Isidro, matagal na itong ginagawa sa itaas kaya nga, muntik pang mamatay ang ilang reporters ng Bulacan Star nang tangkain nilang akyatin ang nasabing mountain dahil pinaputukan sila todits ng mga private armies ni Mayor.

"Sino kayang mayor?" tanong ng kuwagong retired general.

"Saan kayang lugar si Mayor?"

"Si Mayor kaya ang patong?"

"Bakit hindi napahinto ni Calderon ang illegal logging?" naiinis na tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Iyan ang dapat kalkalin ni Defensor kung balak nilang magpaimbestiga," sagot ng kuwagong maninisid ng tahong.

"Iyan ang aabangan natin kamote!"

BRGY

BULACAN STAR

CHIEF KUWAGO

ISANG RIC MEDINA

ISIDRO

IYAN

JERRY SUPNAY

JR. ALIAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with