Sa pagbawi ng 'Marcos wealth'

MADALAS, ang pagbawi ng pamahalaan sa mga "ill-gotten wealth" ng yumaong ex-President Marcos mula sa kanyang mga cronies ay masalimuot. Walang katapusang court cases na kadalasan ay nakatitikim pa ng mga batikos. Madalas, sinasabing kakatiting ang nakukuha ng pamahalaan samantalang ang napupunta sa mga "cronies" ni Makoy ay mas malaki.

Kakaiba ang compromise agreement kaugnay ng Philippine Overseas Telecommunications Corporation (POTC). Sa pananaw ng Korte Suprema, ito’y kasunduang dapat hikayatin at gawing modelo. Kinatigan ng SC ang kasunduan ng gobyerno at ng negosyanteng si Potenciano Ilusorio noong 1996 nang Presidente pa si Fidel Ramos. Kaso, nang magpalit ng pamahalaan, ang mga sumunod na pamunuan ng Presidential Commission on Good Governments (PCGG) ay nag-iba ng pananaw. Lugi raw ang gobyerno rito kaya ang kaso’y iniharap sa Korte. Nagpetisyon din ang dalawang kompanya ni Campos (Mid-Pasig Land Development Corp. at Independent Realty Corp.) laban sa naturang kasunduan.

Finally,
matapos ang halos isang dekada, dinismis ng Korte ang mga petisyon laban sa kasunduan pati na ang mga claims na lugi ang pamahalaan sa naturang compromise agreement.

Sa desisyon ng SC kamakailan, sinabi ng Third Division na sa ilalim ng compromise agreement, ang pamahalaan ay nabigyan ng substantial shares na 4,727 mula sa 5,400 POTC shares kumpara sa nakuha ng negosyanteng si Potenciano Ilusorio na 673 lang. Ang hirit kasi ni Ilusorio kanya talaga ang mga nasabing shares na puwersahang inagaw sa kanya at inilipat sa pangalan ng dalawang kompanya ni Campos.

Binigyan ng 35 porsyentong pagma-may-ari sa POTC at PHILCOMSAT ang pamahalaan na mula sa 40 porsyentong saping isinuko sa gobyerno ni Jose Y. Campos, isang Marcos crony.

Sa desisyon ng Korte noong June 15, kinatigan ang ruling ng Sandiganbayan na ang mga kompanya ni Campos na ginamit para itago ang POTC shares ay nawalan ng karapatan sa shares matapos na ang mga ito’y nai-turnover sa gobyerno.

Anang Korte Sup-rema: With the imprimature of no less than (then) President Fidel Ramos and the approval of the Sandiganbayan, the compromise agreement must be given utmost respect."

Show comments