"Walang kwenta ang Pilipinas"
July 8, 2005 | 12:00am
ITONG AKING ILALATHALA AY EMAIL NG ISANG READER.
MAAANGHANG ANG KANYANG MGA SALITA. SUBALIT TINGNAN NYO KUNG MAY SENSE BA ANG KANYANG SINASABI.
"Walang kwenta ang Pilipinas"
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Sukang-suka na ko sa mga nangyayari sa bansang to! Walang katapusang corruption, walang kamatayang pangbabatikos, pagbabatuhan ng tae at pagpapa-taasan ng ihi ng mga pulitiko sa bawat isa, walang tigil na imbestigasyon ng kung anu-anong isyu pero wala namang matinong resolusyon, walang puknat na pag-aagawan ng kapangyarihan sa pagitan ng mga partido, patuloy na pagdami ng tamad at tangang Pilipino, patuloy na pakikipaglaban ng ideolohiyang wala namang silbi. Ang gobyerno ng Pilipinas, talo pa ang septic tank na hinihigop ng Malabanan-saksakan ng dumi at napakabaho. Kaya hindi nakakapagtaka na ang Pilipinas ang isa sa pinakamahirap at corrupt na bansa sa mundo. Kasi lahat sila bulok, lahat sila walang kwenta. Lahat sila sugapa sa kapangyarihan at sa pera.
Kahit Kristiyano ako, hindi ko mapigilang magmura at hilingin sa Diyos (minsan nga pati sa demonyo) na mamatay na silang lahat at ibabaon sila ng habang-buhay sa impierno. Sinong "sila"? eh di mga corrupt na government officials and workers, mga tambay na Pilipino na ang lalaki ng katawan pero hindi naman nagtatrabaho at hindi nagbabayad ng tax, mga mayayaman at artistang tax evaders, pati mga aktibista, NPA at iba pang ideological groups na hindi nagbabayad ng tax pero pang-gulo!!! Mamatay na kayo!!! Lagi na lang sinasabi ng mga pulitiko: Ipaglaban ang masa! Tulungan ang masa! Mahalin ang masa! Masa lang ba ang tao sa Pilipinas? Sino ba talaga ang bumubuhay sa punyetang bansang to? Saan ba galing ang pangpagawa ng mag tulay at kalye? Saan ba galing ang pork barrel? Saan ba galing ang perang kinukurakot nyo?
Kami na mga manggagawa at middle class na bago pa makuha ang sweldo bawas na - kami ang bumubuhay sa walang kwentang bansa na to!
Bakit yang bang mga masang yan na lagi na lang sentro ng plataporma ng mga pulitiko eh nagbabayad ba ng tax? Kahit isa sa mga nagra-ralling mga squatter na yan, kahit singko hindi nag re-remit yan sa BIR! Pero pinapakinggan ba kami ng gobyerno? Lagi na lang opinion ng masa ang iniintindi ng gobyerno. Kung sino ang nagra-rally sa EDSA, sila ang nasusunod. Kung sino ang mas malakas sumigaw pero wala namang economic contribution, sila lagi ang focus pag may problema. Sila lagi ang bida.
Kaming mga ordinaryong office workers, OFWs, laborers at iba pang nagta-trabaho at nagbabayad ng tax kami ang nagpapakahirap para buhayin ang Pilipinas. Kami ang mga tunay na bayani ng bansa!!!
Tuwing nakikita ko ang payslip ko, nag-iinit ang ulo ko at gusto kong maiyak sa inis. Napakalaki ng tax na binabawas sa akin pero ginagamit lang sa walang kwentang bagay ang perang pinaghirapan ko. Lahat ng pagtitipid ginagawa ko para suportahan ang sarili ko, pamilya ko at ang punyetang bansang to. Ni hindi ako makabili ng chicken and spaghetti meal sa Jollibee kahit gutom na gutom na ko. Nag-tya-tyaga ako sa waffle na tig-P10, o kaya pag may konting pera, junior bola-bola siopao sa Mini-Stop sa halangang P20. Eh kung yung pera ko na pinapangbabayad sa tax sa kin na lang napunta, eh di sana nakakapanood pa ko ng sine at least 2 beses sa isang buwan.
Nakabili na sana ako ng bagong rubber shoes. Nakapagpagawa na sana ako ng sarili kong bahay.
Yung tax na binabayad ko, karamihan nun derecho sa bulsa ng mga corrupt na mga government officials at workers. Habang hirap na hirap akong i-budget ang pera ko, sila naman nagpapakasarap sa mga mansyon. SUVs at luxury cars pa ang dina-drive nila, samantalang ako sa pedicab lang sumasakay!
Pera ko yang pinagpapasaan nyo!!!!! Yung tax na binabayad ko, pinapangsuporta sa mga mahihirap. Saan ba galing ang pera pangpagawa ng housing at pagtulong sa mga mahihirap, di ba sa mga manggagawa na nagbabayad ng buwis! Pero karamihan ng mahihirap, kung umasta kala mo inaapi sila ng sobra.
Sa totoo lang no, kaya ang mga mahihirap lalong naghihirap kasi mga tamad!
Ang daming mga tambay sa kalye na walang trabaho pero ang laki ng katawan. Eh kung sila ba nagkargador sa pier eh di sana may pera sila.
Tapos wala na ngang pera, anak pa ng anak! Lalo nyo lang pinapadami mga tamad at tanga sa mundo!!! Naaawa ako sa mga batang pakalat-kalat sa kalye at namamalimos. Imbes na nag-aaral, dumadagdag lang sila sa bilang ng mga future criminals sa Pinas. Hindi ako magtataka na yung batang nakita kong namamalimos sa Cubao, pagkatapos ng ilang taon cellphone snatcher na.
Yung mga magulang naman dyan, common sense lang! Hirap na hirap na nga kayo sa buhay, mangdadamay pa kayo ng iba?! Paparamihin nyo pa lahi nyo!
Palibhasa walang mga trabaho at walang pinagkaka-abalahan, kaya nagkakalabitan at nagsusundutan na lang maghapon, magdamag. Sa totoo lang, nakakabilib. Kasi kahit sa ilalim ng tulay o sa kariton lang, nakakabuo pa rin ng bata! Ibig sabihin, maabilidad ang mga Pinoy. Kung gugustuhin, gagawan ng paraan. Kahit sa makipot, mabaho at maduming lugar - SOLVE!
Isa pang mga grupo ng tao na nakakainis, yung mga aktibista, NPA at kung anu-ano pang ideological political groups. Sabi nila, mahal na mahal nila ang Pilipinas kaya pinaglalaban nila ang kanilang mga adhikain.
Eh hindi rin kayo nagbabayad ng tax! Ang kakapal rin ng mga mukha nyo! Mga ipokrito! Mahal daw ang Pilipinas ayaw naman magbayad ng buwis! Bakit may BIR collector ba sa gitna ng Mendiola at Edsa?! May tax collection ba sa bundok?!
Wala din naman kayong mga trabaho! Kung may trabaho talaga kayo, hindi magra-rally dahil sayang ang sweldo nyo pag absent kayo!
Paano nyo maipapakita ang pagmamahal nyo sa Pilipinas kung wala na kayong gawang matino kundi mag-rally at mamundok??!!!
Isa pa yang mga mayayaman at mga artista, na nangdadaya at hindi nagbabayad ng buwis. Ang kakapal ng mukha nyo! Ang dami nyo na ngang pera nangdadaya pa kayo sa tax!!!! Hindi nyo naman madadala sa impierno yang mga kayamanan nyo. Masusunog lang dun yan.
Kaya lalong bumabagsak ang negosyo dito sa Pilipinas, kasi sa mga negosyanteng mandaraya, pati showbiz industry, bagsak na din. Karma ang tawag dyan. Mga balasubas kasi. Hanggat hindi nagkakaron ng radical change, patuloy na walang kwenta ang Pilipinas at patuloy na magiging tanga ang majority ng mga Pilipino.
Sa dami ng nag-mi-migrate na Pilipino sa ibang bansa, dadating ang panahon na minority na lang ng population sa Pilipinas ang may utak. Yung mga magagaling na Pilipino, malamang maubos na. Sobra na kasi silang nafru-frustrate at nade-depress sa mga nakikita nila. Ilang taon pa at aalis na rin ako sa Pilipinas. Wala kong balak na magkaron ng pamilya sa isang bansa na hindi pinapahalagahan ang kontribusyon ng mga taong tunay na bumubuhay dito. Kawawa naman ang magiging anak ko kung dito sya mabubuhay.
Sa totoo lang, broken hearted ako. Minahal ko din ang bansang ito. Pilit kong pinagtatanggol kahit bulok. Nakarating na ko ng ibang bansa, pero pinili kong bumalik. Pero ngayon, ayoko na. Suko na ko. Sayang lang ako sa bansang to. Simple lang naman ang hiling ko. Gusto ko lang mabuhay ng tahimik at maayos. Gusto ko na kahit paano eh maipagmalaki ang Pilipinas. Pero wala eh. Doomed to be jologs ang bansang to.
Alam ko marami pa ang umaasa at naniniwala sa pagbabago. Good luck and God bless! Sana tama kayo at mali ako.
OPINION ITO NI MACARAEG, SANTODIVINO NA PINADALA SA AKIN NI NESTOR ORIBELLO. ANG KANYANG EMAIL ADDRESS AY [email protected]. SANG-AYON BA KAYO SA MGA SINASABI NIYA? (I EDITTED OUT LAHAT NG MURA AT MGA SEDITOUS AT LIBELIOUS STATEMENTS NIYA)
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am