^

PSN Opinyon

Ex-President ng bansa at isang AFP general kasama sa civilian military junta

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang kasama diumano ang isang dating Presidente ng bansa, isang senador, military general at isang dating presidente ng U.P. sa binabalak na civilian-military junta?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay PNP Chief Gen. Art Lomibao, Ret. Roy Cimatu, Rep. Alex Bascug ng Agusan del Sur; Rep. Benjamin Cappleman ng Ifugao; Antipolo City Mayor Lito Gatlabayan; Navy Capt. Ramon Punzalan; Michael John Roncesvalles at Remy Pagdilao.
* * *
Alam n’yo bang pito katao ang binabalak na bubuo sa isang civilian-military junta na papalit kay President Gloria Macapagal-Arroyo kapag napatalsik sa puwesto?

Ayon sa aking bubuwit, ang mga naturang opisyal at dating opisyal ng pamahalaan kasama na ang ilang civilian groups ay maglulunsad diumano ng bloodless take-over sa pamahalaan.

Sinasabi ng nasabing grupo na sila ay magtatagumpay sapagkat suportado sila diumano ng United States.

Ang mga personalidad na ito ay kilala diumano ang kanilang integridad at sinseridad sa paglilingkod sa bayan kaya walang masyadong tututol kapag sila ay nakapag-take-over.

Hindi binanggit kung paano ite-take-over ang gobyerno maliban sa pagsasabing may mga nakahanda nang military para sakupin ang Malacañang.

Ayon sa aking bubuwit, kapag naging matagumpay ang kanilang bloodless take-over, kaagad nilang bubuwagin ang Kongreso, Korte Suprema at Comelec.

Sila ay may time table na dalawang taon upang ayusin diumano ang pagreporma sa ating bansa.

Magpapatawag ng Constitutional Convention at papalitan ang sistema ng gobyerno mula Presidential tungo sa isang parliamentary form.

Upang makatipid ang gobyerno sa gastusin ay magiging 78 katao lamang ang bubuo sa parliamento at ito ay isang kinatawan bawat probinsiya ng bansa.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang mga bubuo sa binabalak na civilian-military junta… teka, ayaw nila itong tawaging junta.

Mas gusto nilang tawagin itong caretaker government. Ang binabalak nilang gawing spokesman ay isang TV personality mula sa isang TV network.

Siya ang mag-aala-Francisco "Kit" Tatad noong panahon ni dating President Ferdinand Marcos.

Ayon sa aking bubuwit, ang mga bubuo sa 7-man council o caretaker government kapag nagtagumpay sila sa pagpapatalsik kay President GMA ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Senador. Siya ang magiging kinatawan ng business sector; General mula sa AFP; Retired General; Dating presidente ng University of the Philippines; Labor leader; Kinatawan ng isang civilian society group; at dating Presidente ng bansa

ALEX BASCUG

ANTIPOLO CITY MAYOR LITO GATLABAYAN

ART LOMIBAO

AYON

BENJAMIN CAPPLEMAN

CHIEF GEN

CONSTITUTIONAL CONVENTION

ISANG

KORTE SUPREMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with