Napapakibit-balikat lang ako kapag may mga religious leaders, lalu na sa Roman Catholic Church na bumabatikos sa PAGCOR gayung maraming programa ang simbahan na nakikinabang ito. Kumbaga, sinasalo ng gobyerno yung perang winawaldas ng ibang tao para sa mga bagay na mapapakinabangan ng bansa.
Kontrobersyal man ang dating, hindi mapapasubalian ang tulong ng naibibigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa kaban ng bayan. Pagdating sa revenue, ito na siguro ang korporasyon ng pamahalaan na nakakapagpasok ng pinakamalaking kita sa national treasury at nagagamit sa mga social projects ng gobyerno.
Nais nating purihin ang maayos na pamamahala ng PAGCOR sa pamumuno ni Chairman Efraim Genuino. Ang nakaraang taong 2004 ay banner year ng PAGCOR dahil humakot ito ng kabuuang kita na P21.90 bilyon. But there are indications PAGCOR might even break its own record for this year.
Sa loob pa lamang ng unang apat na buwan, umani na ang korporasyon ng kitang P7.50 bilyon na mas mataas ng P36 milyon kumpara sa P7.14 bilyon na kinita for the same period last year.
Sa nasabing halaga, ang net income mula sa Casino Filipino branches ay pumalo ng P970.10 milyon. Hinigitan nito nang mahigit sa P100 milyon ang pinupuntiryang net income na P852.79 lang.
Madalas natin pasalamatan ang korporasyong ito porke tuwing may mga indigents na dumudulog sa atin para humingi ng tulong tulad ng hospitalization, hindi ito nagkakait ng assistance.