^

PSN Opinyon

DepEd Usec Ramon Bacani tapusin na ang isyu sa P. Burgos

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAIS ng mga teachers sa P. Burgos Elementary School sa Sta. Mesa, Manila na basagin ng Department of Education (DepEd) ang kanilang katahimikan para matapos na ang isyu ng pamamahala sa kantina sa eskuwelahan nila. Kasi nga, bilang reaction sa kolum ko ilang buwan na ang nakaraan, naglabas ng kanyang rejoinder itong si Undersecretary Ramon Bacani na lalong nagpagulo lang ng sitwasyon nila. Ayon kay Bacani, ang DepEd ay nag-isyu ng DECS order No. 55 S-1996 para bigyan ng karapatan ang mga duly registered teachers cooperatives na patakbuhin ang kanilang school canteen. Ang layunin nito ay i-promote o suportahan ang welfare ng mga teachers. Walang away ang mga teachers ng P. Burgos dito sa tinuran ni Bacani. Kaya lang nabanggit niya na ‘‘the decision to revert the operation of the school canteen to the school administration went through the legal process following the Department’s Rules and Procedures.’’

Teka nga pala, para sa kaalaman n’yo mga suki, kaya nag-aaway ang kampo ng principal ng P. Burgos na si Dr. Estrella Agbayani at mga board of directors ng cooperative ay dahil sa pamamahala ng canteen nila. Napunta na sa husgado at kung saan pang ahensiya ng gobyerno ang sigalot nila at hanggang sa ngayon patuloy pa ang banggaan nila. Kaya ang decision na sinasabi ni Bacani ay hindi nakatulong para manahimik na sila. Sa katunayan sumulat ang walong board of directors ng cooperative kay Bacani noong Abril 27 para bigyan sila ng kopya ng naturang decision.

Ayon kina Eleonor Pan, Esperanza Mayuga, Josephine Antonio, Edgardo Flores, Henry Estacio, Feliticia Ladaga, Renato Jarabese at Teresita del Rosario, wala silang kamalay-malay sa decision ng DepEd ukol sa pag-manage ng canteen lalo na ang Department Rules and Regulations. Dahil sa patuloy na pananahimik ni Bacani, sumulat na muli ang board ng directors ng cooperative kay Bacani noong June 2 subalit wa epek pa ito. He-he-he! Baka abala lang si Bacani sa ibang pagkakitaan… este pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon nitong DepEd natin, di ba mga suki?

Ayon naman sa mga opisyales ng board ng kooperatiba, mukhang hindi abot ni Bacani na nag-initiate na sila ng criminal, civil at administrative cases laban kay Agbayani at mga alipores niya. Kaya kung mabigyan sila ni Bacani ng decision na iginigiit niya, maaring gagamitin nila ito bilang gabay sa susunod na mga aksiyon nila. Maaari ring maging tulay ito para bawiin nila ang lahat ng kasong isinampa nila kay Agbayani at mga tando-tando niya, anang mga board officials. Kaya lang, hanggang sa ngayon tikom pa ang bibig nitong si Bacani kaya’t ang decision niya ay nagdulot lang ng demoralisasyon sa hanay nila at mga supporters nila. Kathang-isip lang kaya ni Bacani ang sinasabi niyang decision? Sa ngayon, binubuhay ng mga board official ang hiling nila kay Education Sec. Florencio Abad na harapin sila ng 10 minuto man lang para mailabas nila ang hinaing nila. He-he-he! Tulad ni Bacani, tiyak abala rin sa ibang bagay si Secretary Abad. May posibilidad, di ba mga suki? Abangan!

AGBAYANI

AYON

BACANI

BURGOS

BURGOS ELEMENTARY SCHOOL

DECISION

DEPARTMENT OF EDUCATION

KAYA

NILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with