^

PSN Opinyon

Walang karapatan

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
MAY-ARI si Pilo ng 66 square meters na lupa na nakahanay sa mababang pirasong lupa ng gobyerno kung saan nagtayo ang DPWH ng mga akyatan para makarating ang mga tao sa karatig na highway. Pinayagan ng DPWH na gamitin ni Vicente at ng anak niya ang akyatang ito at ipaarkila sa dalawang restoran. Samantala nakabili pa si Pilo ng 74.30 square meters sa nasabing mababang pirasong lupa ng gobyerno na dinaraanan ng mga tao patungo sa highway.

Noong 1995, dinemanda ni Pilo sina Vicente upang bigyan siya ng right of way dahil yun daw mga restoran na tinayo sa mga akyatan sa highway ay nakabara sa kanyang daraanan patungo sa highway at nakasakop sa kanyang lupang 74.30 square meters.

Pagkaraan ng paglilitis, dineklara ng Regional Trial Court na higit may karapatan sina Vicente sa pirasong lupang ginawa ng gobyernong akyatan sa highway at pinahiram kina Vicente upang patayuan ng restoran. Nguni’t dapat ibalik nila ang pirasong lupa na sumakop sa lupang 74.30 square meters na nabili ni Vicente. Sinabi rin ng RTC na hindi nabarahan ang right of way ni Pilo sapagka’t may ibang daraanan naman siya patungong highway. Sinang-ayunan ng Court of Appeals (CA) ang RTC. Tama ba ang RTC at CA?

Tama ang RTC at CA sa pagdedesisyon na wala ngang karapatan si Pilo na mamusisyon sa pirasong lupa kung saan gumawa ang DPWH ng akyatan. Nguni’t mali sila na sabihin higit na may karapatan sina Vicente dito. Ang nasabing mahabang kapirasong lupa ng gobyerno ay nilaan para gamitin ng publiko bilang daanan patungong highway at ng mga pribilihiyadong tao lamang. Ito ay lupang pinamamahalaan para pampubliko o "property of public dominion". Labas ito sa pangangalakal ng tao kaya hindi ito: (1) puwedeng ipaarkila o ilipat sa iba; (2) maging pangangari ng mga nakaokupa rito kahit ganoon katagal na panahon; (3) maliit o ma-subasta; at (4) gamiting right of way ng pribadong indibidwal.

Ang paggamit nito ay sa pagbibigay lang ng gobyerno. Walang karapatan si Pilo na angkinin ito upang gawing right of way niya. Gayon din sina Vicente na naka-okupa rito dahil pinagbigyan lang siya ng gobyerno.

Ngunit tama ang RTC at CA na paalisin sina Vicente sa lupang nabili ni Pilo na sinasakop nung restorang tinayo nila sa pagbibigay ng gobyerno (Villarico vs. Sarmiento et. al., G.R. 136438, November 11, 2004)

COURT OF APPEALS

GAYON

GOBYERNO

HIGHWAY

NGUNI

PILO

REGIONAL TRIAL COURT

TAMA

VICENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with