^

PSN Opinyon

VAT time bomb

- Al G. Pedroche -
NAKAKATAKOT. Hindi pa naipatutupad ang sampung porsyentong value added tax sa mga produktong petrolyo pero umaariba na ang unti-unting pagtataas sa halaga ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa gobyerno, tumaas man ang petroleum products dahil sa VAT, ito’y hindi lalampas sa P35 bawat litro. Pero may mga nangangambang baka umabot ito ng P50.

Kasi, sumabay ang implementasyon ng VAT sa pagtaas ng halaga ng krudong langis sa world market. Alam naman natin na ang langis ang pinaka-backbone ng ekonomiya. Palibhasa, halos lahat ng produkto at serbisyo ay nakasandal sa petrolyo. Kaya pag tumaas ang presyo nito, aarangkada rin ang presyo ng basic goods and services.

Hindi apektadong lubha ang mga may pera. The hardest crunch is felt by the common men. Yung mga ordinaryong tao na kakarampot lang ang suweldo. Pag nagkataon, puntos ito sa mga anti-administration groups na gustong mapatalsik si President Arroyo. Darami ang mga taong susuporta sa kanilang hangad na masipa ang Pangulo.

People may have to contend again with higher prices at hindi na magiging sapat ang kanilang kaunting kinikita. Magagatungan ang kanilang galit sa gobyerno.

Sana nama’y gawan ito ng paraan ng gobyerno. Otherwise, and panibagong radikal na pagtataas sa halaga ng petrolyo ay magsisilbing isang malakas na bomba upang pasabugin ang administrasyong ito.

Kaya kumakatig tayo sa panawagan ng ilang mambabatas na pag-isipan muna ng pamahalaan bago implementa ang bagong VAT. Dapat may safety net muna para naman hindi mabigatan lalu ang taumbayan. This is the right time for the administration to prove na may malasakit ito sa mga maliliit na tao.

ALAM

AYON

DAPAT

DARAMI

KASI

KAYA

MAGAGATUNGAN

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with