"Hello Garci... Mga taong bayan ito! "

DUMAGSA ANG MGA TEXT MESSAGES, TAWAG SA TELEPONO NG ATING MGA MAMBABASA NG "CALVENTO FILES."

Dapat malaman ng ating Pangulo at pati na rin ng ating mga kababayan ang niloloob nila. Mahigit sa 500 text messages at hindi mabilang tawag sa telepono ang reaksyon ng tao. Nais kong ilathala ang ilan lamang dahil sa kakulangan sa spasyo.

Sa inyo galing ito. Hindi sa akin.

Sapat na un pra sya ay patalsikin sa malakanyang. Hirap na ang Pilipinas marami ng taong ginutom sa kahirapan. — 09287033380 Ang opinion ko totoo madaya ang gobyerno ni Gloria. Walang patas na batas un lng!! Magdaya salot s lipunan — 09198564481 Hindi ako naniniwala na si GMA ang nsa tape kay totoo man o hndi GMA parin kami kc pltan man sya mandaraya prin ang pplit sa knya kya GMA prn kmi hnd n magbbgo — 09213514012 Mr. Calvento, maliwanag po na nandaya yn x gma ksabwat pa nya military nya. Antayin nyo ang karma. Unti unti kyo ng dyos. Pg bbyarin kyo mga militar at gma. — 09219995921 Dapat magresign na xa! Huli na sya sa bibig, kaya bumaba sa pwesto para d magkagulo… antayin pa b nya na mapatalsik xa sa pwesto? — 09203036512 Dati me tghanga ni GMA pero ngyon ayaw k na. Nkkhya clang mag anak. Wla n mgandang news knila lahat — +85292478475 Good pm. Nabasa ko ang Calvento Files 2ngkol sa wire tapped tape. Sa aking analysis, wala naming direktang mensahe galing kay pangulong GMA para dayaan ang election. Kaya ang pinakamagandang gawin ng mga mambabatas ay pagtuunan na lang ng husto ang paggawa ng mga batas para mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino para hindi masayang ang oras, pagod, at pera ng bayan sa imbestigasyon. — (Roy of Isabela) 09209251982 Mr Calvento, nabasa ko ang column nyo maliwanag pa sa sikat ng araw ang pandaraya nila sa nakaraang election — 09152590850 I like your article now, kht ndi k narinig ang nsa cd, but bcoz of diz alam k na ang pinagtatlunan nila. — 09197679431 Cguradong ang pinagusapan ni GMA at Garci ay kung paano imanipula ang ga2win nilang pandaraya!! Dapat magresign na c aling Gloria s pagka presidente ng Pilipinas. Hindi sya karapat-dapat sa mlcnyang. — 09267511509 Para sa kaalaman ng lhat. Hindi dapat pniwalaan agad ung wire tapped tapes dhil maraming peke. Daming empersonator. Bka gnya mga boses saka nrecord. Bka drama lang yan. — 09205040635 Gusto alisin puesto c arroyo kc talagang nandadaya cya at wala naman cyang nagawang mabuti puro lng pa cute sa pagupo pagkapres. Naghhrap lalo ang mga mhhrap ung mga alipores nya yumayaman — 09183312470 Sna na lang hrapin nya ang khrapan ng bansa, skwelahan, trabaho, kalsada, mga kanal, at sna, dpt magkaroon lhat ng trabaho, my pnagaralan man o wala — 09156577314 OO. Nandaya si GMA. Cgurado. Kaya nga yon counting machine. D nila pinalusot kc mahirap mandaya. Kung sa mano-mano madali mandaya. C FPJ ang nanalo talga. — 09202155594 Ito lang po ang masasabi ko, kung talagang hindi si Gloria at Garci ang nasa tape, bakit hanggang ngayon ay hindi sya makapagpaliwanag sa taong bayan, bakit sya umiiwas sa isyu na to? Ibig sbhn guilty sya! At bakit itinakas si Garci? Malinaw na malinaw ang resulta ng election sa mga pinagusapan nila sa tape. D truth will set our nation free! — (RJT of Macau, China) +8536147162 Walang sapat n dahilan para sya mapatalsik s pwesto, ang mga usapan ay pagtatanong lamang at hindi pag uutos ng pandaraya. Kahit s legalidad ng salita, Malabo. Walang totoo. At buong pangalan ng pangulo at ni garcillano.. puro lang mam. Wag ng pilitin ng oposisyon ang manggulo. Kahit ignan s batas, maraming butos at mali s paratang nila. — 09217389567 Oo. Halatang nangdaya yang c Gloria nuon pa man d pa nag uusap yn 2 yn plano n ya nag usap n yn hndi s telepono. Naniguro lng yn kya 2mwag na. — 09192643537 Mliwanag po na nandaya yn c GMA ksabwat pa nya mlitar nya. Antayin nyo ang karma. — 09219999521 Kung I-analys mo mbuti ang pnag-usapan s wiretap tape na yan, kahit di nya lantaran sbihn na dyain sa pgta2nong na lng ni pgma ay alm na ang ga2win ni garcu. Kaya 99pct my dyaan tlaga last elction. Dpat bumaba na lang cya. Nakakahiya na ang pilipinas. - +85267011275 Habang binabasa ko itong inyong kolum 2ngkol sa convrsation nila GMA at GARCI, d ko mapigilang mangigil s kanila. Mga makakapal ang mukha lalo na c GMA, halatang halata ang pagiging gahaman nya sa pwes2, at malinaw pa sa sikat ng araw ang ginawa nyang pandaraya last may 2004 election. (Ms A. 78) 09179057674 Dpat lng mbgyan ng parusa c PGMA s gnawa nyng pndaraya, ngwa nia ngang mndaya mangurakot p kya! Itz so simple! Shes not a gud lider in our country! — 09218573778 Dis is fr. Kuwait. I read ur column about Hello Garci tape. Yes dey need 2 replace her. She didn’t say straight 2 Garci n dayain nla ang pres. Election b4, but d way dey talk in d tape dat she gve instruction 2 garcilano already. +9657532447 Hi, as I rid ur files 2d wla akong nkta na nag aduise c arroyo kay garci na daya n ang kalaban f dis statement ay 22o syempre karapatan nyang malaman ang result ng kanyang kadda2ra yan lng po ang comments ko. (Miko from Laguna) 09228124727 Alam nyo ang nakaupo pla sa mlakanyang ng ilang taon ay may ktngiang mng aagaw, mandaraya, kurakot at cnungaling. Kwawang inang bayan. (NALDO) 09158892504 Between d lines meron n cla usapan kinukumusta lng ni GMA kung un pinag uutos nya ay isinasagawa pero d n un ang issue bwal mkpg usapa ang isang kandidato s isang comelec official s pnhon ng election — 09178290333 Bkt hindi nla makasuhan ng anti wiretapping si mr ong at sedition ang iki nasa nila? Ang naka2lungkot sa ating bansa, kung sino pa yung mga nagsi siwalat ng kato2 hanan yung pa ang naka2suhan 2lad ni acsa Ramirez ng land bank, pagkatapos ibulgar ang anomalya, sya pa ang kinasuhan ng NBI? Only in pinas! +8536147162 Naniniwala ako na c Gloria ang nsa likod ng wiretapped tape. Kc kung ito man ay pinalabas lng ng administrasyon para takpan ang jueteng ay masyado clang tanga kung ganon, magla2bas cla ng sarili nlang ika2bagsak. At alam k rin kung bakit ayaw lumabas n Gloria kc inicp nyang mabuti ang sagot nya para walang sabit at pulidong pulido. — 09205912867 Noon pa alam na nandaya c GMA ngayon, kita na. — 09166485231 Gud pm po ang masasabi ko lng po sa issuing hello garci n yan, mukha naman tlagang gnawa lng yng tape! At bakit naman ngayon lng pnlabas yn dahil s d rin cia nbayaran! Hay naku! Ano b yan. — 09155701326 Mr. Calvento, sir. Wla na tlaga yatang pagasa ang Pilipinas. Sobra sama ng mga namumuno sa tn. Mghimala na sana ang panginoon sa mga masamang 2lad nila — 09208012284 khit ano ang palusot ni GMA! kaunti nlang ang mkkpagsbing d nya boses un! Binoto naming cya sa akalang mkkahon na tayo sa kahirapan ang masama pinalala nya pang lalo. Kht alam nming tgilid cya kay FPJ. Dhil matalino nga cya. Pero ano ngaun ang bansa natin. Ultimong mga bata alam na boses ni GMA yn. — 09186667949 Cguradong ang pnaguusapan n GMA at Garci ay kng paano imanipula ang gagawin nilang pandaraya! Dapat magresign n c Gloria sa pagkapresidente ng Pilipinas. Hindi sya karapat-dapat sa mlcnyang. — 09267511509 Para sa kaalaman ng lhat. Hindi dapat pniwalaan agad ung wire tapped tapes dhil maaring peke. Daming empersonator. Bka gnaya mga boses saka nrecord. Bka drama lang yan. — 09205040635

PATULOY ANG PAGDINIG NG ISYU NG WIRE TAPPED TAPES SA KONGRESO. KUNG MERON KAYONG PANAHON, PANOORIN ITO AT MAKIKITA NINYONG PARANG CIRCUS ANG NANGYAYARI DITO.

Nais kong batiin ang aking bunsong kapatid na si Carmen Joan Calvento-Go, na isang Happy Birthday ngayong araw na ito.

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

Show comments