Ang Philippine Environment Monitor

INILUNSAD ng Philippine Environment Monitor (PEM) na magkatuwang na inihanda ng World Bank at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Isa itong dokumento na nagsasaad ng sitwasyong naglalarawan ng bansa. Ang taunang paglalathala nito ay naglalarawan sa mga pagbabago at mga bagong hamon sa pangkapaligirang kalagayan ng Pilipinas.

Tinalakay sa PEM 2004 ang pinakahuling naitalang progreso at trends tungkol sa iba’t ibang environment concerns tulad ng natural resources management, biodiversity conservation, solid waste, air and water pollution at coastal and marine management.

Hindi lingid sa kaalaman ng DENR ang mga kinakaharap nating problema at mga isyung pangkapaligiran ngayon. Kami sa departamento ay kumikilos upang maitama ang mga pagsalantang nagawa noong mga nakaraang panahon sa ating kapaligiran at likas na yaman. At dahil sa kakulangan natin ng pera, ngayon namin higit na kailangan ang patuloy na pagtulong ng ating komunidad, civil society at mga stakeholders.

Makakatulong din nang malaki ang pagpapatupad ng mga batas natin tungkol sa hangin (Clean Air Act), tubig (Clean Water Act), lupa (Land Reform Act), basura (Ecological Solid Waste Management Act) at mineral (Philippine Mining Act) upang mapigilan ang pagkasira ng ating mga likas na yaman.

Ang publikasyon ng Philippine Environmental Monitor ay nagsimula noong 2000 na tumalakay sa general environmental trends sa bansa; ang PEM 2001 ay tumalakay sa solid waste management; ang PEM 2002 ay tumalakay sa kalidad ng hangin at ang PEM 2003 ay tumalakay sa kalidad ng tubig.

Show comments