Maraming kadahilanan kung bakit ayaw tumigas si Manoy. Maaaring side effect ng ibat ibang problemang physical, psychological at emotional.
Sa physical disorders, kabilang dito ang pagkakaroon ng sakit na diabetes, atherosclerosis, thyroid disorders, sakit sa nervous system, urinary tract at genetals. Posibleng dahilan din ang mga iniinom na gamot laban sa hypertension. Dahilan din ang stress, fatigue, anxiety, guilt, embarrassment at depression na pinalulubha kung naninigarilyo, umiinom ng alak o mga inuming may caffeine.
Ang pag-inom ng alak ay dapat iwasan sapagkat nababawasan nito ang lakas ng nerve signals. Ang pag-inom nang maraming alak ay nagiging sanhi rin ng production ng male hormone androgen. Sa pag-aaral, ang mga lalaking may mataas na cholesterol level ay malaki ang panganib na maging impotent. Nahaharangan ng cholesterol ang mga ugat patungong ari at ito ang dahilan para mabawasan ang blood pressure na kailangan para tumigas si Manoy.
Para maiwasan ang high cholesterol levels, nararapat kumain ng sariwang prutas at gulay, whole grains at katamtamang dami ng karne.