^

PSN Opinyon

Editoryal - Sawa na sa people power pero...

-
PAGOD na ang taumbayan sa people power. Nakasasawa na ang pag-aalsa sa EDSA. Nakababagot na ang pagtitipun-tipon. Tama na muna ang pagpapatalsik sa Presidente ng bansa. Ganito ang nangyayari sa kasalukuyan. Wala nang epekto sa taumbayan ang mga naglabasang kontrobersiya ngayon sa jueteng payola at sa kontrobersiya na tape conversation ni Presidente Arroyo at isang Comelec official. Kaya kahit na marami ang nanawagan na magresign si Mrs. Arroyo sa puwesto, dinedma na lamang ito ng taumbayan. Hindi nagkaroon ng epekto ang tahasang pagsasalita ni NBI official Samuel Ong na magbitiw si Mrs. Arroyo alang-alang sa bayan. Sumulpot si Ong taglay ang "mother of all tapes" na aniya’y may conversation ni Mrs. Arroyo at Comelec Commissioner Virgilio Garcellano.

Hindi na pinansin ng taumbayan ang panawagan at malaking kabiguan ito para sa oposisyon na halatang kinupkop si Ong. Hindi nahikayat ang mga tao sa kabila ng apela ni Ong na tulungan siya o protektahan. Walang nangyaring people power kahit na nga ibinabando sa tapes ang umano’y ginawang pandaraya sa nakaraang election. Pati nga si Susan Roces, asawa ng namayapang actor na si Fernando Poe Jr. ay kontrang-kontra sa pagdaraos ng people power o destabilization laban sa gobyerno.

Maraming dahilan kung bakit nagsawa na at dinedma na ng taumbayan ang people power o ang pagsuporta sa destabilisasyon. Unang-una nang dahilan ay ang kahirapan ng buhay. Mas maraming tao ang abala sa paghanap ng ikabubuhay at makakain sa araw-araw. Kaysa sumama sa pagpi-people power o pagpapabagsak sa gobyerno, atupagin na lamang ang paghahanapbuhay. At kung magtagumpay man sa pagpapabagsak sa gobyerno gaano ang garantiya na ang iuupong pinuno ay mahahango sa kahirapan ng buhay. Bituka muna ang unahin kaysa people power. Hindi puwedeng dedmahin ang kumukulong tiyan. Dahilan din ng pagkasawa sa people power ay ang pagsusulputan ng mga gahamang pulitiko na walang hangad kundi ang pansariling kapakanan.

Nagsawa na nga sa people power ang taumbayan pero hindi rin naman dapat kalimutan ng kasalukuyang pamahalaan na tuparin ang ipinangako na hahanguin sa hirap ang taumbayan. Huwag kalimutan ang pagdurog sa mga buwaya sa lipunan, wasakin ang jueteng, disiplinahin ang asawa, anak, bayaw at mga alagad na nakikinabang sa illegal na sugal. Kung hindi maisasagawa ang mga ito, baka tuluyan nang magkaroon ng hugis ang pagtitipun-tipon at matuloy ang pag-aalsa.

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCELLANO

FERNANDO POE JR.

MRS. ARROYO

ONG

PEOPLE

POWER

PRESIDENTE ARROYO

SAMUEL ONG

SUSAN ROCES

TAUMBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with