^

PSN Opinyon

Iwasan ang steroids at injectibles

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SI Teddy Ong Jr., 59, ng New Manila, Q.C. ay huminto na sa pagtatrabaho dahil sa pamamaga ng kanyang tuhod. Tumigil din siya sa paglalaro ng golf. Nagpaineksiyon siya sa likod at naramdaman niyang sumigla siya pero makalipas ang ilang araw ay hindi na siya makalakad. Hindi niya maigalaw ang mga paa at napakasakit ng kanyang balakang. Sumangguni siya kay Dr. Romy Orteza sa Room 1-A Santa Teresita Gen. Hospital, Q.C. at napag-alamang nagkaroon siya ng komplikasyon sa kidney dahil sa steroids. Sa bio-energetic modulation therapy ni Dr. Orteza ay natanggal ang mga toxins ni Teddy. Napatunayan na delikado ang pag-inom ng iba’t ibang gamot at mga injectibles na sa katagalan ay may sisiraing parte ng katawan. Naka-anim na sesyon si Teddy at ngayon ay muling nagtatrabaho at naggo-golf.

Si Apollo Constantino ng Calamba, Laguna ay dance instructor pero sa kanyang osteoarthritis ay hindi na siya makapag-ballroom dancing. Kung kani-kaninong doktor siya nagpatingin. May nagpayo sa kanya na operahan ang tuhod niya at kayurin ang prostate niya. Mahal ang sisingilin kay Apollo. Isang kaibigan ang tumulong sa kanya at kinontak si Dr. Orteza sa tel. 438-7678 at 0917-9191660 at agad na sumailalim si Apollo sa therapy at ngayon ay nakapagsasayaw siyang muli.

Diabetic si Ed Abrogar, 57, ng Santa Maria, Bulacan. Matagal siyang pinahirapan ng pananakit at pamumulikat ng kanyang tuhod at paa. Nangitim at nagkasugat ang paa niya kaya pinayuhan siya na putulin ang kanyang paa. Nakaiskedyul na siyang ma-amputate pero isang kaibigan ang nagdala sa kanya kay Dr. Orteza. Makaraan ng ilang session ay bumuti-buti na ang pakiramdam at labis ang tuwa niya nang sabihin ni Dr. Orteza na hindi puputulin ang kanyang paa. Patuloy pa rin ang pagte-therapy niya hanggang sa tuluyan niyang paggaling.

A SANTA TERESITA GEN

BULACAN

DR. ORTEZA

DR. ROMY ORTEZA

ED ABROGAR

NEW MANILA

SANTA MARIA

SI APOLLO CONSTANTINO

SIYA

TEDDY ONG JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with