^

PSN Opinyon

Sikat na bilanggo sa Munti labas-masok, sumundo pa ng turista sa airport

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang nakakalabas pa rin ng bilangguan sa Muntinlupa ang isang sikat na personalidad kahit dapat ay nasa maximum security unit?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Mayor Mary Jane Ortega ng San Fernando City; dating Rep. Tony Aquino ng Autohaus; Atty. Ma. Martha Farolan, Ayeth Sinchongco, Jun Agnote ng MBC at Joyce Mirasol Calubaquib.
* * *
Alam n’yo bang labas-masok pala sa bilangguan ang sikat na personalidad na nakabilanggo sa Munti?

Ayon sa aking bubuwit, noong May 5, 2005, dakong alas-2 p.m. nagulat siya nang makita niya at ipakilala pa sa kanya ang naturang preso.

Hindi niya akalain na makakadaupang-palad pa niya ang kontrobersiyal na bilanggo.

Nakasuot ang bilanggo ng polo shirt na kulay green, medyo mataba pa rin at may mga kasamang bodyguards.

Hanep din naman ang lakas mo, Sir. Anytime na gustong lumabas ng bilangguan ay nagagawa pa rin niya. At meron pa siyang mga kasamang foreigners.

Ang lakas-lakas mo naman sir.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, sila ay nagtungo sa Mindanao nang hindi sinasadyang mag-krus ang kanilang landas ng sikat na bilanggo.

Sila ay kararating lamang sa airport nang makasalubong ang grupo ng kilalang preso sa Munti.

Dahil kakilala niya ang isang kasama ng bilanggo, ipinakilala siya rito.

Sino ba naman kasi ang hindi makakakilala sa sikat na bilanggo, parating nasa headlines ng mga diyaryo at napapanood noon sa telebisyon nang kainitan ng kanyang kaso.

Ayon sa aking bubuwit, mataba pa rin siya at mukhang malusog na malusog naman.

Hindi katulad sa kahilingan ng kanyang doktor na dapat ay manatili nang matagal sa Makati Medical Center dahil nahihirapan daw huminga.

Hanep, ang lawak naman ng hinihingaan mo, umaabot pa sa Mindanao.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kaya naman pala nasa Mindanao ang kontrobersiyal na bilanggo ay dahil inaasikaso pa rin ang kanyang negosyo.

At yung mga turistang Hapones na sinundo niya sa Dipolog airport ay pupunta pala sa kanyang beach resort.

Ang presong labas-masok pa rin sa bilangguan kahit hinatulan na ng Korte Suprema ng life imprisonment ay walang iba kundi si…

Ang kaso niya ay two counts of statutory rape at six counts of acts of lasciviousness.

Siya ay dating miyembro ng Kongreso. Siya ay si dating Congressman J. as in Jury.

AYETH SINCHONGCO

AYON

CENTER

CONGRESSMAN J

HANEP

JOYCE MIRASOL CALUBAQUIB

JUN AGNOTE

KORTE SUPREMA

MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with