Pitong buwan lang nakapaghulog si Narding. Dahil hindi pa rin niya nahulugan matapos ang 22 buwan at ayaw niyang isauli ang air-conditioners, nagdemanda na ang DMC upang pawalang saysay ang bilihan, bawiin kay Narding ang air conditioners at pagbayarin siya ng balanse ng presyo nito matapos awasin ang halaga ng mga air-conditioners na isasauli. Pagkaraan ng paglilitis nagdesisyon ang Korte pabor sa DMC at ginawad ang mga kahinlingan nito. Tama ba ang Mababang Hukuman?
MALI. Maaring pumili ng tatlong remedyo ang nagtitinda ng hulugan kung hindi makabayad ang mamimili: 1.) Ipatupad ang obligasyon sa Kontrata; 2.) Kanselahin ang bilihan; 3.) Bawiin ang mga ipinagbili kung ito ay isinangla para garantiya sa pagbabayad ng hulog. Sa kasong ito pinili ng DMC ang pangalawang remedyo na kanselahin ang bilihan. Malinaw ito dahil binawi niya ang tatlong air-conditioners at binigyan niya ito ng halaga noong kuwentahin niya ang nalalabing utang ni Nardy. Sapagkat pinili na ng DMC ang pangalawang remedyo, hindi na nito masisingil pa ang balanse ng presyo ng air conditioners na nabawi na (Delta Motor Sales vs. Niu Kim Duan 213 SCRA 259).