3 remedyo
June 11, 2005 | 12:00am
BUMILI si Narding ng tatlong air-conditioners sa DM Appliance Center (DMC) sa halagang P45,000. Ayon sa kasunduan, P4,500 ang paunang bayad at ang balanse ay babayaran niya ng 24 monthly installments. Mananatiling ari ng DMC ang air-conditioner habang hindi bayad ng buo at kung pumalya si Narding ng dalawang beses o kayay hindi makatupad sa anumang kondisyon sa kontrata, ang buong utang ay masisingil na at ang kontrata ay mawawalan ng saysay. Anumang hulog na naibayad ni Narding ay ituturing na bayad niya bilang upa ng air-conditioner.
Pitong buwan lang nakapaghulog si Narding. Dahil hindi pa rin niya nahulugan matapos ang 22 buwan at ayaw niyang isauli ang air-conditioners, nagdemanda na ang DMC upang pawalang saysay ang bilihan, bawiin kay Narding ang air conditioners at pagbayarin siya ng balanse ng presyo nito matapos awasin ang halaga ng mga air-conditioners na isasauli. Pagkaraan ng paglilitis nagdesisyon ang Korte pabor sa DMC at ginawad ang mga kahinlingan nito. Tama ba ang Mababang Hukuman?
MALI. Maaring pumili ng tatlong remedyo ang nagtitinda ng hulugan kung hindi makabayad ang mamimili: 1.) Ipatupad ang obligasyon sa Kontrata; 2.) Kanselahin ang bilihan; 3.) Bawiin ang mga ipinagbili kung ito ay isinangla para garantiya sa pagbabayad ng hulog. Sa kasong ito pinili ng DMC ang pangalawang remedyo na kanselahin ang bilihan. Malinaw ito dahil binawi niya ang tatlong air-conditioners at binigyan niya ito ng halaga noong kuwentahin niya ang nalalabing utang ni Nardy. Sapagkat pinili na ng DMC ang pangalawang remedyo, hindi na nito masisingil pa ang balanse ng presyo ng air conditioners na nabawi na (Delta Motor Sales vs. Niu Kim Duan 213 SCRA 259).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended