Kasangga ni Mikey sinibak sa NAIA
June 2, 2005 | 12:00am
NASA hot water ang mag-among sina Ferdie Sampol, overall supervisor ng NAIA-BI at buddy-buddy ni Rep. Mikey Arroyo at ang confidential agent na si Dong Castillo, a.k.a. Mayor.
Si Dong, kasi batay sa nakalkal ng mga kuwago ng ORA MISMO ay isang CA ng Bureau of Immigration pero dehins toits kasama sa plantilla ng BI. Sabi nga, betsa lang!
Itinambak si Sampol at Dong sa refrigerator, este mali, freezer pala dahil masyado silang mainit sa kanilang kinauupuan porke nabuwisit si DOJ Secretary Raul Gonzalez matapos mabalitaan na nakalusot ang drug lord na si Benson Chua papuntang Tate.
Ipinagtanggol kasi ni Sampol si Chua na dehins drug lord kundi isang businessman.
Ang malaking problema, nasa hold departure order ang pangalan ni Benson kaya kung hindi man ito ang inaakusahang drug lord, dapat pinakuha nila ng certificate of not the same person ang bida.
May judgement call dapat ang mga immigration officer regarding Benson porke ang hinahanap na drug lord ay kapangalan ng umalis na pasahero at ang problema ay pareho pang taga-Cebu City sila.
Dapat naging maingat ang BI-NAIA todits sa judgement nila kaya hayun nanggagalaiti sa galit at umuusok ang ilong ni Gonzalez.
Ipinipilit pa ng ilang taga-Immigration na butas pa raw ang HDO kaya pinayagang umalis si Chua.
For your information, ika-3rd time na ang pag-alis ng bida sa Pinas papuntang aboard, este mali, abroad pala.
Ngayon, sino kaya ang hahabulin ng BI regarding Benson Chua, ang tambol mayor kaya o banda rito at banda roon?
Tumatagiktik ang pawis ng taga-BI-NAIA porke malapit na rin silang itambak sa freezer kapag nagkataon at sama-sama sila nila Sampol at agent Dong sa ref?
Sabi nga, finish na ang kanilang happy moments. Tama ba, DOJ Secretary Gonzalez, Your Honor!
Hindi lang pala si Benson ang naging problema ng BI-NAIA kundi ang anim pang tsekwa na umiskapo sa airport.
Kung sinuman ang umeskort, tiyak ito ang iniimbestigahan ngayon. Ok ba, Tata Ising Ablan, idol?
"Para bang nasa microwave oven ngayon ang taga-BI-NAIA?" tanong ng kuwagong hindi napartihan ng pitsa.
"Siyempre porke magkakaroon daw ng major revamp sa airport," sagot ng kuwagong napalusutan ni kamote.
"May pitsa kaya sa pagtakas ng mga tekamots na tsekwa?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Tiyak iyon, makakalabas ba sila ng Pinas kung alaws padulas?" sabi ng kuwagong Kotong cop.
"Magkano kaya ang bigayan?"
"Iyan kamote ang dapat alamin ni Secretary Gonzalez, tekamots."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest