^

PSN Opinyon

Higit sa hain

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
MAY mga taong ipinapakita ang kanilang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng palagiang pagsisimba at pagsasagawa ng lahat ng uri ng debosyon. Datapwat mismong si Jesus ang nagsabi na ang gayon ay hindi sapat. Kinakailangan din ang pagmamahal sa kapwa gaya ng pagmamahal sa sarili (Mc.12:28-34).

Narinig ng isa sa mga eskribang naroon ang kanilang pagtatalo. Natanto niyang mahusay ang pagkasagot ni Jesus sa mga Saduseo, kaya lumapit siya at nagtanong, "Alin pong utos ang pinakamahalaga?" Sumagot si Jesus, "Ito ang pinakamahalagang utos, "Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos — siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas." Ito naman ang pangalawa, "Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili." Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito." "Tama po, Guro!" sabi ng eskriba. "Totoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya. At ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip, at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng kanyang sarili ay higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang hain." Nakita ni Jesus na matalino ang kanyang sagot, kaya sinabi niya, "Malapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos." At wala nang nangahas magtanong kay Jesus mula noon.


Bakit nasabi ni Jesus sa eskriba na "Malapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos, " sa halip na, "Kabilang ka na sa pinaghaharian ng Diyos"? Pagkat iba ang basta alam lang kung ano ang utos, kaysa sa isinasagawa ang utos.

Samakatuwid, upang tayo’y tunay na mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos, kailangang seryosong tupdin na isagawa at isabuhay ang pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa.

ANG PANGINOON

BUONG

DIYOS

IBIGIN

MALAPIT

NANG

PANGINOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with