^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mahihirap ang kinawawa sa jueteng

-
KAHIT na hindi sabihin ng jueteng operator na si Wilfredo Cimanis Mayor o mas kilala sa tawag na Boy Mayor na ang mga maliliit at mahihirap ang biktima sa illegal na sugal, marami na ang nakaaalam nito. Noon pa ay wala naman talagang talo sa sugal na ito kundi ang mga jeepney at tricycle driver, magsasaka, mangingisda, trabahador, tindera sa palengke, vendor at marami pa. Ang karampot nilang pera na galing sa pagpapatulo ng pawis ay itinaya pa nila sa jueteng at madalas na sila ay talo. Wala naman talagang nananalo sa jueteng kundi ang operator o bangka. Garapal sa pandaraya ang mga operator at ito mismo ay sinabi ni Boy Mayor nang mag-witness kamakalawa sa jueteng inquiry isinagawa ng Senado. Talamak ang pandaraya sa jueteng ayon kay Mayor at kawawa ang mahihirap sa nangyayaring ito.

Walang takot na sinabi ni Mayor na kabilang sa mga tumatanggap ng jueteng payola ang anak ni President Gloria Arroyo na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo. Tumatanggap aniya ito ng P600,000 bawat buwan. Bukold kay Rep. Arroyo, dalawang mambabatas sa Albay ang tumatanggap ng jueteng payola at ang mga ito ay sina Rep. Joe Ma. Salceda at Rep. Carlos Imperial. Tumanggap din umano ang dating mambabatas na si Krisel Lagman-Luistro. Ang tatlo ay tumanggap umano ng P400,000, P300,000 at P250,000 ayon sa pagkakasunud-sunod. Maging si Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Arturo Lomibao at si Chief Supt. Victor Luga ay inakusahan ni Mayor na protector ng jueteng nang madestino ang mga ito sa Albay bilang regional directors. Ang governor sa Batangas na si Armando Sanchez ay isinangkot din ni Mayor. Ang akusasyon ay itinanggi naman ng mga nabanggit.

Pero kahit na maraming pangalang sinabi si Mayor, wala naman siyang maipakitang ebidensiya sa sinabi niyang jueteng payola. Kaya isa lamang ang magiging konklusyon sa nangyayaring imbestigasyon sa jueteng, wala ring mangyayari rito. Paano magkakaroon ng magandang resulta sa kaso kung walang maipakitang ebidensiya? Masasayang lamang ang oras, pera at laway sa imbestigasyong ito. At habang patuloy ang imbestigasyon sa Senado, patuloy din naman ang pagbola ng jueteng sa maraming lugar. Patuloy na kinakawawa ang mahihirap na umasang mananalo ng karampot sa jueteng. Ang kinitang kaunting pera na dapat ay ibili na ng bigas o sardinas, ay isinapalaran sa jueteng na natalo naman. Tanging ang sukab na jueteng operator ang nanalo. Kumita ng milyon mula sa sama-samang pera ng mahihirap. Pustahan, walang mararating ang jueteng-inang imbestigasyon sa Senado.

ALBAY

ARMANDO SANCHEZ

ARTURO LOMIBAO

BOY MAYOR

CARLOS IMPERIAL

CHIEF SUPT

JUETENG

MAYOR

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with