^

PSN Opinyon

EDITORYAL - 'Lifestyle check' sa Customs paigtingin pa

-
MAGANDANG malaman na seryoso ang Office of the Ombudsman sa paglambat sa mga "gutom na buwaya" na nagsisipaglungga sa mga tanggapan ng gobyerno partikular ang Bureau of Customs. Marami nang nalambat na "buwaya" ang Ombudsman sa Customs at sa nakikita, marami pa silang mabibitag. Marami pang babagsak sa lifestyle check. Ang isang nakapagtataka lamang ay kung bakit suspension lamang ang ipinapataw ng Ombudsman sa mga "buwayang" opisyal o empleado ng Customs na kanilang nahuhuli. Bakit hindi agarang sibakin sa puwesto? Kung kumpleto naman sa ebidensiya ba’t kailangang isuspinde pa ang "buwaya"?

Kadalasa’y anim hanggang siyam na buwan lamang ang ipinapataw na kaparusahan sa mga opisyal o empleadong bumagsak sa lifestyle check. Katulad ng ginawad na parusa sa isang mataas na opisyal ng Customs na binigyan lamang ng siyam na buwang suspension na walang suweldo. Magaan ang parusang siyam na buwang suspensiyon. Saglit lamang ay makababalik sa puwesto ang sinuspinde at sino ang makapagsasabi, na baka lalo pa siyang tumakaw at muling magnanakaw. Sa halip na suspindehin ay bakit hindi parusahan nang naaayon sa Anti-Graft Law at Unexplained Wealth Law.

Kamakalawa, dalawang empleado na naman ng Customs ang sinuspinde ng Ombudsman dahil bumagsak sa lifestyle check. Ang mga sinuspinde ng anim na buwan at hindi makatatanggap ng suweldo ay ang magkapatid na Ana Marie Concepcion Maglasang at Matilda Concepcion Millare. Si Maglasang ay Customs operation officer sa Port of Manila samantalang si Millare ay special deputy collector sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ang dalawa ay sumasahod ng P20,000 bawat buwan.

Ayon sa complaint , ang maraming ari-arian ng magkapatid at estilo ng kanilang pamumuhay ay masyadong kaduda-duda at hindi proportion sa kanilang kinikita. Kaduda-duda nga ang napakaraming ari-arian ng magkapatid at nakalulula pa. Mayroon silang sasakyan na nagkakahalaga ng P1.5 million at P1.4 million. Maraming bahay sa ekslusibong subdibisyon, may agricultural lots, may bahay bakasyunan at maraming beses nakapag-aabroad. Bukod sa mga mamahaling kotse, nagmamay-ari rin sila ng speedboat, trucks at vans.

Mabibili ba ang mga ito ng P20,000 suweldo bawat buwan? Hindi suspension ang katapat nang maraming yaman kundi pagkabulok sa kulungan. Kayanin kaya ng Ombudsman?

ANA MARIE CONCEPCION MAGLASANG

ANTI-GRAFT LAW

BUREAU OF CUSTOMS

MARAMI

MATILDA CONCEPCION MILLARE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PORT OF MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with