Pero puwede niyang patunayan na talagang determinado siyang pag-usigin ang mga "malalaking isda" sa jueteng operations sa bansa. Papaano? Habulin niya ang kilalang "jueteng lord" na kumpare niya. Si Rodolfo "Bong" Pineda. Si Pineda ang pinaghihinalaang pinakamalaking jueteng lord na may operasyon sa Luzon.
Mariing pinabulaanan ng Pangulo kamakailan na tumatanggap siya o sino mang miyembro ng kanyang pamilya ng payola sa jueteng. She vehemently belied accusations that her husband Mike, her son Rep. Mikey and herself are benefitting from the illegal numbers game. I want to give Mrs. Arroyo the benefit of the doubt (or is it the doubt of the benefit?).
Open secret ang kanyang kaugnayan sa kabalen at kumpare na si Bong Pineda. Noon pa man ay napatsismis na tumatanggap ng financial support si Mrs. Arroyo tuwing kakandidato. Sabi nga ni opposition Congressman Chiz Escudero, laging may madilim na anino ng pagdududa kay Mrs. Arroyo hanggat hindi siya umaaksyon laban kay Pineda. How true.
Nasa United States man ngayon si Pineda, dapat itong pauwiin sa Pilipinas para papagpaliwanagin sa jueteng. Kayang gawin ito ng Pangulo kung gugustuhin. Maliban na lang kung mas matimbang sa kanya ang kanilang pagiging mag-kumparet kumare ni Pineda. Magiging inutil at walang silbi ang "giyera" ni Gloria laban sa jueteng hanggat di niya ginagawa ito. Magiging pure lip service and empty rhetorics.
Tama ang teorya ni Escudero. Si Presidente ang magpapasan sa ano mang pananagutan sa batas ni Pineda kapag nagkataon.