Tinutuya ng mga awtoridad ang mga lokal na komunista. Hindi nyo pa ba nakikitang wala nang saysay ang rebolusyon niyo, tanong nila. Hindi nyo pa ba tinatanggap na nagbago na ang mundo?
Tunay ngang nagbago na ang China. Kung datiy sentro ito ng komunismo sa Asya, sentro na ito ngayon ng kapitalismo. Lumahok na ang China sa global economy sa pagsapi sa World Trade Organization. Dahil doon, umunlad ang ekonomiya nito nang 15-20% kada taon nitong nakaraang dekada. Nabawasan ang kahirapan sa kanayunan. Milyon-milyon ang demand ng China ng kotse, telebisyon, refrigerator, computers at cellphones. Kaliwat kanan ang mga itinatayong pabrika sa maraming siyudad. Lumalaki rin nang 25% kada taon ang gastos ng China sa military build-up. Pero kinakaibigan nito nang lubos ang India at ASEAN.
Laos na ang komunismo, anang mga awtoridad sa mga lokal na komunista. At inginunguso nila ang pagtiwalag ng 3 milyong kasapi mula sa CCP, pati na rin ang pag-unlad ng Vietnam at pagsikap ng Cambodia at Laos na lumayo sa komunismo.
Ayaw itong tanggapin ng mga komunista. Para sa kanila, mali ang pagtahak ng China at mga kapit-bansa sa capitalist road. Patutunayan daw ito ng kasaysayan. Ang problemay under pressure ang pamunuan ng mga bansang yon na mag-kapitalista kundiy magrerebolusyon uli sa kanila.