^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Isang kumpas lang ang jueteng!

-
PALAWAK nang palawak ang kontrobersiya sa jueteng. Sinimulan ni Dagupan-Lingayen Archbishop Oscar Cruz ang pagbubulgar at ngayo’y nayayanig na naman ang bansa sa sugal na ito. Walang ipinagkaiba noong December 2000 kung saan nayugyog ang trono ni dating President Joseph Estrada na naakusahang tumatanggap ng jueteng payola. Sinabi ng archbishop na mas malala ang jueteng ngayon kaysa noong panahon ni Estrada. Maraming public officials, mula sa barangay level hanggang sa governor ang nakikinabang sa jueteng money. Ito ang dahilan kaya patuloy ang jueteng.

Kasunod ng ibinulgar ng archbishop ay ang pagsulpot naman ng isang hindi nagpakilalang police official at ibinulgar ang tatlong personalidad na umano’y malapit sa mataas na pinuno ng bansa na nakikinabang ng milyong piso mula sa jueteng. May code names na M1, M2 at M7 ang tatlong personalidad. Ayon sa police official, si M1 ay tumatanggap ng P5 milyon bawat buwan sa bawat probinsiyang laganap ang jueteng operations. Si M2 ay tumatanggap naman ng P3 milyon bawat probinsiya at si M7 ay tumatanggap mula P3 milyon hanggang P5 milyon sa bawat probinsiya. Si M7 ayon sa police official ay nakabase sa south of Manila pero tumatanggap siya ng jueteng money mula sa Central at Northern Luzon.

Makaraang ibulgar ng police official sina M1, M2 at M7, nagkaroon agad ng espekulasyon na ang mga ito ay sina First Gentleman Mike Arroyo bilang M1 at kanyang anak na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo bilang M2. Si M7 ay hindi nakilala. Sabi naman ng Malacañang, pawang rumors ang lahat ng ito.

Lumala pa ang kontrobersiya sapagkat isang dating mambabatas mula sa Metro Manila ang nagsabi na may mga kasamahan siyang mambabatas na tumatanggap ng pera mula sa jueteng. Umano’y mula P50,000 hanggang P100,000 bawat buwan ang tinatanggap ng mga kapwa niya mambabatas. Maraming mambabatas ang nagalit sa sinabi ng dating mambabatas sapagkat pati raw ang walang kasalanan ay nadadamay.

Nayayanig na naman ang bansa dahil sa jueteng. Walang ipinagkaiba sa nangyari noong 2000. Ngayo’y dawit ang asawa at anak ni President Arroyo. Itinuturong tumatanggap ng jueteng money. Ipinag-utos naman ni Mrs. Arroyo na imbestigahan ang asawa at anak.

Tama ang aksiyon ng Presidente na imbestigahan ang kasangkot pero mas magiging epektibo kung agad niyang ipag-uutos ang pagdurog sa illegal na sugal. Isang kumpas lang naman niya at siguradong the end ang jueteng. Sa ganitong paraan lamang matatapos ang problema sa jueteng na pati pamilya niya ay nahahatak sa kontrobersiya.

DAGUPAN-LINGAYEN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JUETENG

MARAMING

METRO MANILA

MIKEY ARROYO

MRS. ARROYO

MULA

NAMAN

NORTHERN LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with