Killer ng ex-mayor ng Mabitac, Laguna bagyo kina Govs. Ynares at Maliksi
May 20, 2005 | 12:00am
POSITIBONG itinuro ng trese-anyos na si Antonio Carpio si Ladislao Sayarot na bumaril sa kanyang amang si Felix sa Pililia, Rizal noong Disyembre 11, 2004. Ang pagtuturo kay Sayarot ay ginawa ni Antonio sa nakaraang preliminary investigation ng kaso sa harap ni Rizal provincial prosecutor Maria Ronatay. Ang positive identification ni Antonio sa gunman ay malakas na ebidensiya na para makulong habambuhay o ma-death penalty si Sayarot, na kapatid pala ng nakaupong mayor ng Mabitac, Laguna. Kaya lang nagkaroon ng agam-agam ang pamilya ni Carpio bunga ng ikinilos ni Ronatay sa ginanap na hearing nga. Pinalabas ni Ronatay ang mga kasamahan natin sa hanapbuhay sa kuwarto sabay sabing "Sa korte na nila kokoberan ang kaso kung makakarating pa roon sa itaas ang kaso." Ano kaya ang ibig ipahiwatig ni Ronatay sa tinuran niya niya? He-he-he! Masalimuot pala ang kaso sa pagpaslang sa matandang Carpio na naging mayor ng Mabitac sa 30 taon.
May katwirang mag-alala ang pamilya Carpio. Ito palang kampo ni Sayarot ay bagyo kina Rizal at Cavite governors Ito Ynares at Ayong Maliksi. Aba, kung tingnan mo ang line-up ng mga backer ni Sayarot, sino ang makakatulog kung sila ang makakabangga mo? Maimpluwensiya sina Ynares at Maliksi at ang siste pa sa Rizal isinampa ang kaso. Kayo na ang mag-isip mga suki kung magkaroon pa ng parehas na laban ang pamiliya ni Carpio na uugud-ugod na ay pinatay pa.
Ang nakadagdag pa sa sama ng loob ng mga Carpio ay ang nakadududang ikinilos ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakahuli kay Sayarot. Ayon sa anak ni Carpio na si Judeo, kung ang mga sawa na nahuhuli sa kalye ay paulit-ulit na ipinalalabas sa TV o diyaryo, bakit si Sayarot na sangkot sa krimen ay hindi man lang iniharap ng NBI sa isang press conference? Itinago ng NBI si Sayarot na naaresto nila sa Subic, Zambales noong Marso 14. Magkano kaya ang dahilan? Samantalang ang puna ng marami, kahit nakatingala ka lang sa langit at nahuli ka ng NBI eh nasa media ka na kinabukasan. He-he-he! NBI Chairman Reynaldo Wycoco, sagutin mo ang mga katanungan na ito?
Tandang-tanda pa ng batang Carpio na nagpapagasolina sila ng luma nilang sasakyan sa Pilillia nang paulanan ni Sayarot ng bala ang kanyang ama. Aniya, si Sayarot ay mabilis na tumakas sakay ang isang motorsiklo na minamaneho ng isang lalaki na nakasuot ng pulang jacket. Ang biktima ay nagtamo ng 18 tama ng bala sa katawan. Ang pagtuturo ni Antonio ay kinatigan ng dalawang attendants ng gasoline station. O lalong lumakas ang kaso laban kay Ladislao, di ba mga suki?
Kaya ko naman nasabing masalimuot ang kaso ni Carpio kasi, siya pala ang napagbintangang nasa likod ng pagkamatay ni Bernardo Sayarot, tatlong taon na ang nakakaraan sa Teresa, Rizal. Si Bernardo ay dati ring mayor ng Mabitac. Ayon kay Judeo, nakatanggap sila ng sulat sa mga hired gunmen na nagsasabing ipinapapatay ang ama nila subalit hindi masikmura ng mga ito na gawin ang krimen dahil sa katandaan na niya. Gusto lang ng pamilya Carpio na magkaroon ng hustisya sa pagkamatay ni Felix at wala nang iba. Ayaw na nila kasing masabit pa sa mga kaso sa ngalan ng pulitika. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am