^

PSN Opinyon

Namamana ang almoranas

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MAY almoranas si Mr. Trinidad. Ang anak niyang si Eddie ay may almoranas din. Ganoon din ang karanasan ng mag-amang Victor at Roy.

Namamana ang almoranas. Maging ang laparoscopic general surgeon na si Dr. George Lim ay nagpatunay na hereditary ang almoranas.

Ipinaliwanag ni Dr. Lim na ang almoranas ay nagiging sanhi ng hindi maayos na pagdumi na kadalasan ay dala ng constipation at dahil din sa pagdumi ng matigas kaya nasusugatan ang almoranas at dumudugo.

Napag-alaman na ang normal na pagdumi ng tao ay isa sa bawat araw at kapag tatlo hanggang limang ulit ang vowel movement sa isang araw ay dapat nang sumangguni sa manggagamot para mabigyan ng tamang gamot.

Payo ni Dr. Lim na uminom ng maraming tubig at fruit juices ang may almoranas. Mabisa rin ang pagkain ng mga sariwang gulay lalo na ang pechay, malunggay, kangkong at talbos ng kamote. Hindi rin niya ipinapayo ang pag-inom ng softdrinks at pagkain ng sili. Tanging operasyon lamang ang lunas sa almoranas, ayon kay Dr. Lim.

ALMORANAS

DR. GEORGE LIM

DR. LIM

EDDIE

GANOON

IPINALIWANAG

MABISA

MR. TRINIDAD

NAMAMANA

NAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with