Nakausap ng mga kuwago ng ORA MISMO si Eduardo Mahiya, Prez ng Federated Association of Manpower Exporter, Inc. (FAME) at mga kaalyado niya sa ahensiya tungkol sa pagsasabatas ng ibat ibang Congressional measures na maaaring makapigil sa kanilang business dahil matindi ang epekto nito sa mga recruitment agencies kasi dehins na dadaan sa kanila ang deployment ng mga OFWs.
Sabi nga, ang gobyerno na lang ang papapel at barado ang recruitment agencies sa mapa ng deployment.
Ayon kay Ed, matindi ang nilalaman ng House Bill 2367, na inihain nina Akbayan Sectoral Reps. Etta Rosales, Mario Aguja at Ana Baranquel.
Siyempre kasama rin ang House Bill 346 ni Rep. Roseller Barinaga at House Bill 257 ni Rep. Rodrigo Davidas na gustong baguhin ang Section 29 at 30 ng R.A. 8042 o ang Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995, na nagsasaad para palakasin ang kapangyarihan ng POEA.
Sabi ni Ed, panahon pa ni Kopong-kopong pinakiusapan ng FAME ang pag-amyenda sa Section 29 at 30 ng R.A. 8042, para mabigyan ng ibon, este mali, laya pala ang mga legitimate recruitment agencies na makapagpadala ng migrant workers na naaayon sa batas.
Sabi nga, masyado silang sakal sa dami at tindi ng regulatory policies ng labor laws.
Ang mga alipores ng FAME ang tumutulong sa mga Noyping gustong magtrabaho sa abroad. Sila rin ang siyang nagpoproseso ng mga travel documents ng mga OFWs sa POEA, porke sila ang daan para makaalis ng Pinas ang mga lehitimong manggagawa gustong mag-aboard, este mali, abroad pala.
Ang grupo ni Ed, ang naghahanap ng mga principal sa abroad para makapagtrabaho ang ating mga kababayan sa ibang bansa.
"Matindi ba ang batas ng Migrant Workers Act?" anang kuwagong karpintero.
"Siyempre, kaya nga umiiyak ang FAME regarding this," sagot ng kuwagong taga-pala ng lupa sa Saudi.
"Ano kaya ang maitutulong ng gobyerno para bigyang laya ang mga taga-FAME ng government?" tanong ng kuwagong haliparot sa Japan.
"Dapat tulungan sila ng gobyerno porke nakakatulong din sila rito," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Bakit gusto bang sulutin ng POEA ang pagpapadala ng tao sa abroad?" tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Siguro kaya nga umiiyak ang taga-FAME."
"Ano sa palagay mo ang dapat gawin?"
"Iyan kamote sagutin mo ang tanong mo!"