^

PSN Opinyon

6x6 truck ng PNP panglipat-bahay na…

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
FRIDAY the 13th, bago mag-broadcast ang programang Bahala si Tulfo sa UNTV, aksidenteng nahulog sa BITAG ng aming mga camera ang isang 6x6 truck na pag-aari ng Philippine National Police na nakaparada sa harap ng AIC Gold Tower Condominium sa Ortigas, Pasig City.

Nakatawag pansin ito sa mga empleyado ng UNTV dahil na rin sa mga nakakaalarmang insidenteng nangyari noong nakaraang linggo.

Animo’y nasa loob ng kampo at nagbababa ng logistic supplies ang truck na ito. Mabuti sana kung opisyal ang paggamit nito, pero ang siste, personal ang misyon ng 6x6 truck sa Ortigas…

Lipat-bahay ang estilo ng PNP truck na ito. Naaktuhan pa naming ikinakarga sa truck ang ilang kagamitan mula sa AIC Gold Tower Condominium.

Ng aming komprontahin, nalaman ng BITAG na utos diumano ng isang General Galang kung bakit nandoon ang PNP truck. May unit daw itong si General Galang sa 23rd floor ng AIC Gold Tower Condominium.

Napag-alaman din ng BITAG na retirado na pala itong si General Galang. Kaya’t malaking palaisipan kung bakit nagagamit pa nito ang PNP truck gayong wala na ito sa serbisyo.

Sampol lamang ang ginawa naming pagkompronta sa pulis na driver ng truck at sa iyo General Galang…

Sa iba pang mga opisyal ng gobyernong gumagamit ng sasakyang pang-gobyerno para sa kanilang personal na kapritso, mahiya naman kayo…

Pera ni Juan dela Cruz ang ibinabayad sa buwis na ipinambibili ng mga sasakyan na iyan!

Sa susunod na mahuli kayo ng BITAG sa bulok ninyong estilo, hindi kami magdadalawang isip na ituro sa inyo kung ano ang tama.

Bitag
hotline numbers i-text (0918) 934-6417, (0927) 828-0973, o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Manood tuwing Sabado, 9:00-10:00 p.m. IBC-13, "BITAG".

BAHALA

BITAG

CRUZ

GENERAL GALANG

GOLD TOWER CONDOMINIUM

KAYA

LIPAT

PASIG CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TRUCK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with