Kasama sa mga natangay sa kanya ay isang pares ng two-way radio, digital camera, tape recorder, palm top computer at cash na $400. Kasama rin sa mga tinangay ang mga mahahalagang ID cards ni Mario.
Ipinarada lang sandali ni Mario ang kanyang sasakyan sa Blue Wave Park malapit sa Bay Spa along Macapagal Avenue nung isang gabi at nang balikan niya ang sasakyan ay sinimot na ng mga hinayupak na dorobo ang kanyang mga mahahalagang gamit. Ito ang mismong lugar na kinaroroonan ng mga kilalang fastfood chains. Dapat sana ang mga establisimiento ritoy nagtatalaga ng mga guwardiya para pangalagaan ang kanilang parokyano.
Notorious daw ang lugar na ito at marami na ang nabibiktima ng mga mandurugas. Maganda pa naman ang lugar. Tuwing kakain ako sa lugar na ito kasama ang pamilya ay para bang nasa abroad ang ambiance.