^

PSN Opinyon

Baguhin ang sistema ng pag-aabogado

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
IMINUNGKAHI ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa Supreme Court na tanggalin na ang Bar examinations upang makapag-practice ng abogasya sa Pilipinas. Iniisip ni Santiago na maghain ng isang resolusyon sa senado upang hilingin ang kanyang kasamahang senador na suportahan ang kanyang panawagan na ibasura na ang Bar examinations sapagka’t hindi ito diumano nakakatugon sa kinakailangang galing upang maging karapat-dapat na mga abogado.

Gustong ipalit ni Santiago sa Bar exams ang National Law School Aptitude Test (NLSAT) at isang taong internship program bago tanggapin sa pag-aaral at pagpa-practice sa abogasya. Sa pamamagitan ng nasabing programa, mas madaling malalaman ang kakayahan sa pagsasalita, pagsusulat, pag-aanalisa at kung papaanong umiintindi sa kanyang binabasa ang isang nais maging abogado.

Mahigit sa 5,000 na nagtatapos ng abogasya ang kumukuha ng bar examinations taun-taon subalit 20 hanggang 30 porsiyento lamang ang nakakapasa. Ang karamihan sa mga nakakapasa taun-taon ay nakakuha ng isa, dalawa o tatlong beses na. Ika nga, mga repeaters na.

Naku, mga katoto, talagang totoo ito. Marami sa ating mga abogado ay palpak. Hindi sila makapagsalita ng tamang ingles at pawarde-warde kung sumulat na akala mo ay pasang-awa sa grade two. Siguro ay nadinig na ninyo ang istorya tungkol sa isang taong inakusahan ng pananampal. Kumuha ito ng isang abogado upang ipagtanggol siya. Sa kapalpakan ng abogado, tumagal nang maraming taon ang kaso. Sa bandang huli, ang taong nanampal ay nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong.

Matagal na sanang dapat mabago ang sistema ng pag-aaral at pagsasanay ng ating mga manananggol. Kaya nga siguro lalong gumugulo ang bansa natin. Marahil ay dahil na rin sa ang mga humahawak ng kapangyarihan na gumagawa, nagpapairal at humuhusga ng batas ay mga abogado na tagilid at kulang ang kaalaman. Sana nga ay matuloy na ang magandang panukalang ito ni Senator Miriam.

ABOGADO

GUSTONG

IKA

INIISIP

KAYA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NATIONAL LAW SCHOOL APTITUDE TEST

SENATOR MIRIAM

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with