Masamang balita mula sa Pinas
May 5, 2005 | 12:00am
HALOS lahat nang nadaluhan kong pagtitipon ng mga Pinoy sa US ay korapsyon sa Pilipinas ang pinag-uusapan. Bukambibig nila ang kasamaan ng mga opisyal ng pamahalaan, nakawan, kidnapping at ang iba pang kaguluhan.
Nalaman ko kung saan napupulot ng mga Pinoy ang mga masasamang balita tungkol sa Pilipinas. Ito ay sa mga local Pinoy newspapers na ang mga balita ay hango rin sa mga pahayagan at mga tabloids sa atin. Kalimitan, ang mga balitang napipiling ilathala sa mga pahayagang local ay mga sensational at kontrobersyal upang makuha ang atensyon ng mga mambabasa.
Isa ring tagadala ng mga masamang balita ay ang mga Pinoy na nagbalikbayan sa Pilipinas. Mayroong maganda naman ang ikinukuwento tungkol sa kanilang karanasan sa Pilipinas subalit marami rin na may masamang dinadalang balita. May nagsasabi na nasaksihan daw nila mismo ang hindi magandang nangyayari sa Pilipinas lalo na ang kasamaang nagaganap sa gobyerno, paghihirap ng mga Pinoy at iba pang kaguluhan.
Naisip kong kulang ang information drive ng gobyerno sa US. Matagal ko nang napansin ang kakulangan kundi man kawalan ng regular at epektibong programa ng komunikasyon at impormasyon na maghahatid sa mga Pinoy sa ibang bansa ng mga magagandang balita at pagtutuwid sa mga lumalabas na negatibong balita tungkol sa Pilipinas. Nariyan ang embassy at mga konsulado upang makatulong sa bagay na ito.
Nakadidismaya kapag narinig ang mga hindi magagandang pinag-uusapan ng mga Pinoy sa US. Dapat nang mahinto ang mga masasamang gawain ng ating mga opisyal ng pamahalaan at masupil na sa madaling panahon ang mga kaguluhang nagaganap sa ating bansa upang ang mabalita naman ay ang mga mabubuting nangyayari sa Pilipinas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 21, 2026 - 12:00am