^

PSN Opinyon

"Mag-imbestiga ka naman Sec. Raul Gonzales..."

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
DALAWANG SUNOD NA ISSUE DITO SA "CALVENTO FILES" TINALAKAY KO ANG TUNGKOL SA MITSUBISHI CANTER ROSA NA BINILI NG DEPARTMENT OF JUSTICE NUNG MARCH 2005 NA NAGKAKAHALAGA NG P2.5 MILLION PESOS.

Inilathala ko rin ang isang sulat mula mismo sa Sales Manager ng Union Motors Corporation, Paco, Manila na si Wilson V. Sy, kung saan nagbigay ito ng quotation para sa isang Canter Rosa na pareho ang modelo subalit mas mura ang presyo ng P200,000 lamang. Ang quotation para sa Canter ay P2.3Million lamang.

Malinaw na hindi yata ayos ang ginawang pagbili (o inayos?) nitong nasabing sasakyan at dahil nga na "Karma," kumatok ito. Inuulit ko, kung hindi kumatok ang kontrobersyal na sasakyang ito, hindi sana mabubuko.

Sa puntong ito, nais ko tawagan ng pansin si Department of Justice Secretary Raul Gonzalez na imbestigahan ang pagbili ng sasakyang ito. Nagsumite na ng report si Undersecretary Ernesto Pineda tungkol sa pangyayari nung dalhin ang sasakyan sa Baguio City at sa Naguillan Road bumigay ang "brand new" na makina ng sasakyang ito.

Sec. Gonzalez, ikaw ngayon ang nakaupong DOJ Secretary, aba dapat mong imbestigahan ito upang maipakita sa bayan na hindi ka takot kaninoman at wala kang kinikilingan. Is this NOTED sir?

Nakatanggap ako ng tawag mula sa ating kaibigan na si former Sandigan Bayan Justice Harriet Demetriou, abogado ng pamilya ni Ms. Nida Blanca na nagtatanong tungkol sa issue ng Canter vehicle. Nabasa daw nitong si Mark Jalandoni, dating Program Director ng Witness Protection Program at nagtanong kay Harriet, "Di ba kaibigan mo si Calvento?"

Hindi yata nagustuhan ng mamang ito ang naisulat ko tungkol sa kanyang lady boss. Para hindi ka magselos, ikaw naman ang tatanungin ko kung totoo ang nakalap kong balita na nung ikaw ay umalis bilang Program Director ng WPP, inobliga daw ang mga guardya ng Witness Protection Program na magbigay ng P1,000 kada isa para sa isang "going away" gift sa iyo? .

Naging kontrobersyal ang "going-away" gift na ito dahil nagreklamo ang karamihan sa mga guardya ng WPP kaya’t kinailangan ibalik sa kanila ang perang kinaltas. Totoo kaya na ikinagalit ng malaking taong ito (malaki naman talaga dahil 6 feet tall siya) at galit na naghahamon diumano ng away sa loob mismo ng compound ng DOJ.

Kung totoo ito, Mr. Jalandoni, aba ang tapang mo naman pala. Totoo din ba ang balita na ikaw ay nakainom nung maghamon ka ng away? Bukas ang "CALVENTO FILES" kung nais mong magbigay ng iyong panig tungkol sa bagay na ito.

Si Mark Jalandoni ay isinama ni Sec. Gutierrez sa kanyang bagong tungkulin sa Malacañang bilang Chief Presidential Legal Counsel. Dun na parati makikita ang taong ito. Teka, bakit nga laging kasama nitong si Sec. Gutierrez itong si Jalandoni?. Ano na ba ang bago mong posisyon dyan sa Malacañang?

Nung aking unang makapanayam ang Hepe ng Commission on Audit na nakatalaga sa Department of Justice na si Atty. Lourdes Lim, marami siyang naikwento tungkol sa mga natuklasan niya sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin.

Kaya siguro naoperahan itong si Atty. Lim sa utak dahil sa dami ng sakit ng ulo sa DOJ.

Totoo ito mga kaibigan. Nung nakaraang taon, tinanggal ang isang tumor (salamat sa Diyos at Benign ito) nang sumailalim ito sa isang Brain Surgery.

Makikipagkita na sana sa akin itong si Atty. Lim subalit sa last minute ay nagcancel ito ng appointment. Bakit kaya, Atty. Lim? May pumigil ba sa iyo? Na-pressure ka ba?

Tatanungin ko pa sana siya tungkol sa issue ng mga computers na binili ng DOJ na ang pera ay nanggaling kay Senator Francis Pangilinan, ang mega husband senator.

Kasi, nabalitaan ko na nagdonate itong si Sen. Pangilinan ng pondo para makabili ang DOJ ng mga computers subalit ang report sa akin, mataas na naman ang halaga ng mga computers na binili. Hindi lamang yun, clone pa raw ang mga ito. Nagcomplain daw ang mga end-users na mga taga DOJ dahil ang Windows na naka-install sa mga computers ay hindi daw licensed. In short, pirated pa raw ang mga ito. Ano ba yan?

Pakisagot mo naman ang issue na ito Mr. Archilles Yulo, Supply Officer III ng DOJ. Ayaw ni Atty. Lim ng ganyan. Huwag na natin pasakitin pa ang kanyang ulo!

Habang nasa issue pa rin ako ng mga kontrobersya na bumabalot sa DOJ, nais ko rin sabihin kay Sec. Gonzalez na dapat nitong imbestigahan ang isang Prosecutor dyan na si Jude Romano. Itong taong ito, ayon sa aking source ay nakatalaga sa United Nations, MIKOSOVO na ipinadala ng DOJ.

Ang report sa akin diumano, doble ang compensation na tinatanggap ng taong ito. May sweldo na siya mula sa UN-MIKOSOVO, tumatanggap pa rin daw ito ng sweldo mula sa DOJ. Mahigit sa 1Million pesos daw ang nakolekta ni Fiscal Romano, representing ang kanyang salary para sa isang taon. Paki paliwanag mo naman ito Prosecutor Romano kung paano nangyari na nandyan ka na sa ibang bansa, sumusweldo ka pa rin dito sa DOJ Manila.

Ito daw ay napansin ng Audit Observation Management dahil maliwanag na no other compensation should be received and made by the Philippine Government for persons assigned to a different post. Nakasaad yan sa Civil Service ruling, alam mo naman yan Prosecutor Romano?

Sa ngalan ng isang balanseng pamamahayag, na paulit-ulit kong sinasabi dito sa aking column, nais kong anyayahan ang mga taong nabanggit na magbigay ng kanilang panig.

SA ISA NAMAN POSITIBONG development, ilang linggo ang nakararaan, naisulat ko rito ang tungkol sa brutal na pagpatay kay Romeo Javier na nangyari sa Sta. Rosa, Laguna. Ang pamilya Javier ay humingi ng aking tulong dahil nagtatago na raw ang primary witness sa murder na ito. Pinablish ko ang Sinumpaang Salaysay ng testigo kung saan dinetalye niya ang kanyang nasaksihan.

Nakipag-ugnayan ako sa National Bureau of Investigation upang masundo ang taong ito at mailagay sa ilalim ng Witness Protection Program. Masaya akong ibalita sa inyong lahat na ang testigo ay nabigyan ng protection ng NBI at nailagay na sa ilalim ng WPP.

Nagpadala ng maikling liham sa akin ang pamilya Javier.

"Good day to you sir Calvento, In be half of my family once again thank you very, very much for all your help. We don’t know how to thank sir. Because without your help this case won’t moved this far, With Regards to our witness he was just picked-up by DOJ chief of San Pablo. He is now in a safe house.

God bless you always and your family..."

Nais ko ring pasalamatan ang mga taong umaksyon sa panawagan ng "CALVENTO FILES." Higit sa lahat sa pamilya Javier sa kanilang tiwala sa inyong lingkod.

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

DOJ

ISANG

JAVIER

NAMAN

PROGRAM DIRECTOR

WITNESS PROTECTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with