Si FG Mike raw si M1, he-he-he!
April 27, 2005 | 12:00am
NAGKATUWAAN na nag-guessing game ang mga miyembro ng Western Police District (WPD) kung sinu-sino ang mga kamag-anak ni Presidente Arroyo na umanoy tumatanggap ng milyon na payola sa jueteng. Tukoy na ng taga-WPD kung sino itong sina M1 at M2, pero tulad ng iba pang mga Pinoy, nahihirapan silang arukin kung sino si JS7. At kahit anong pag-iingay pa ng Kongreso ukol sa mga imbestigasyon sa jueteng issue hindi naniniwala ang taga-WPD na hihinto ang jueteng sa bansa dahil sobrang lakas nina M1, M2 at JS7 nga kay GMA. Kaya sa ngayon pa lang, abot-langit na ang denial ng PNP at ng Malacañang at pilit na dinidistansiya ang gobyerno ni GMA sa jueteng. He-he-he! Niloloko lang nila ang sarili nila, di ba mga suki?
Ang hula ng taga-WPD, si M1 ay walang iba kundi si First Gentleman Mike Arroyo na mahilig matulog sa kuwartong libre at ang M2 naman ay ang anak niyang si Pampanga Rep. Mikey Arroyo. Pero kahit ano pang kalikot nila ng kani-kanilang utak eh hindi nila maaarok kung sino ang tinutukoy na JS7 sa jueteng exposé. Siyempre, nalulungkot ang taga-WPD dahil sabit na naman ang padrino ng kanilang amo na si WPD director Chief Supt. Pedro Bulaong. Alam nila kasi na itong sina FG Arroyo at Bulaong ay palaging nagpapahangin sa Baywalk sa Roxas Blvd. tuwing Biyernes kayat nakikiramay sila sa lungkot nila dulot ng jueteng exposé. Pero tiyak, hindi kilala ni Bulaong sina M1, M2 at JS7 dahil ayaw niyang masibak sa WPD hanggang siya ay magretiro sa Agosto 2006. He-he-he! Noong isang linggo lang nakitang kausap ni Bulaong si PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao at Sen. Alfredo Lim sa isang hotel sa Makati City kayat tumitibay ang katayuan niya sa WPD, di ba mga suki?
At kung titingnan naman si Senate President Franklin Drilon at iba pang mambabatas natin, aba, akala mo talagang gusto nilang pahintuin ang jueteng sa bansa. Pero kuwidaw kayo mga suki, puntahan nyo ang mga balwarte nila at tiyak mapapatunayan nyo na talamak na ang jueteng doon. Kung sa lugar nila hataw ang jueteng, paano nila malilinis ang ibang bakuran, aber? Kaya mapupunta lang sa wala ang mga hearing sa Kongreso dahil karamihan sa mambabatas natin ay may utang na loob dito kina FG Arroyo at Rep. Arroyo kung totoo ang hula ng taga-WPD. Habang tumatagal ang isyu, naniniwala na ang sambayanan na sangkot sina FG Arroyo at Rep. Arroyo sa katiwaliang nangyayari sa gobyerno niya. At bakit hindi niya masawata ang dalawa?
Sa totoo lang, bunga sa jueteng exposé noong nakaraang linggo, aba, sa Pangasinan lang nagsara ang illegal na sugal, ayon sa taga-WPD. Yan ay hindi dahil sa puspusang kampanya ng kapulisan natin kundi bunga sa pag-iingay ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz. Kilala kaya ni Cruz sina M1, M2 at JS7? Sa parte naman ni Rep. Arroyo, hinamon niya ang mga detractors ng kanyang pamilya na pangalanan kung sinu-sino itong sina M1, M2 at JS7. Isinama na rin niya ang ama niya sa depensa nang sabihin ni Mikey na walang Arroyo na sabit sa jueteng. Owwww? Kaya may katwirang maghinanakit si Sen. Jinggoy Estrada, dahil kung siya at ang kanyang ama na si dating Pres. Joseph Estrada ay nakulong dahil sa jueteng, bakit sina M1, M2 at JS7 ay nakakalaya pa? Hindi patas ang batas ng Pilipinas, aniya. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended