^

PSN Opinyon

Governor pinabayaan na ang misis dahil sa isang beauty queen

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang hindi na nagsasama ang isang governor at ang kanyang misis dahil sa isang local beauty queen?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Dra. Del Angeles ng Pasig City; Ma. Lea Ungson, Ricardo Marcos, Josella "Noneng" Caparas, Miguel Antonio Almazan at Bro. Rolly Cavinta.
* * *
Alam n’yo bang hindi na nagsasama sa iisang bahay ang isang governor at kanyang misis?

Ayon sa aking bubuwit, tuluyan nang nasira ang pagsasama ng mag-asawa nang pumasok sa buhay ni Gov. ang isang beauty queen.

Na-in-love nang husto si Gov. sa chiching kaya hindi na niya pinakawalan. Siyempre nga naman, higit na mas bata ang beauty queen kaysa sa kanyang misis.

Bukod sa mas bata at mas maganda, sexy pa ang beauty queen kaysa kanyang asawa.

Kaya lang, sumobra naman yata ang naging pagtingin ni Gov. sa beauty queen sapagkat pinabayaan na ang kanyang tunay na asawa.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil sobrang nabighani si Gov. sa kanyang chiching na beauty queen, binigyan niya ito ng house and lot at siyempre merong kasamang garahe at meron na ring nakagaraheng kotse.

At hindi lang ’yan, pati si Gov. ay doon na rin gumagarahe.

Pero para kay Gov. na super laki ang yaman at super laki ang kinikita bawat araw, ’yung ginastos sa beauty queen ay barya-barya lang sa kanya.

Wala pa sa kalingkingan ng ibinibigay niya sa ilang kongresista, mayors, barangay officials at mga pulis para maprotektahan ang kanyang racket.

Siya ang kinikilalang "Godfather" sa kanilang probinsiya at maging sa kalapit pang lalawigan.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, hindi lang pala maganda at sexy ang chiching ni Gov. kundi talagang "Brains & Beauty".

Ginamit niya ang kanyang utak. Siya ay nagpa-asembol kay Gov. upang hindi na makawala pa sa kanya.

Ano kaya ang magiging produkto?

Maganda at sexy ang chiching at si Gov. naman ay hindi naman pangit at hindi naman guwapo pero may hitsura.

Malakas daw ang appeal sapagkat siya ay Mucho Dinero.

Ayon sa aking bubuwit, nang malaman ito ng misis ni Gov., lumayas ng bansa at nagtungo sa Amerika.

Pero di nagtagal at bumalik din sa Pinas. Makikipagbalikan pa kaya siya kay Gov?

Ayon sa aking bubuwit, ang governor na may iginaraheng beauty queen ay walang iba kundi si… Governor S. as in Santo-Santito.

AYON

BEAUTY

DEL ANGELES

GOV

GOVERNOR S

KANYANG

LEA UNGSON

QUEEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with