Paninirang puri

April 19, 2005 | 12:00am
NOONG kampanya sa 1988 eleksiyon, nagpatawag ng press conference si Bobby, isang kandidato sa pagka-mayor kung saan inihayag niya sa mga peryodista ang kanyang liham sa Presidente na nagsasaad na ang kandidatong mayor na si Jojo at ang kaibigan nitong si Merto na presidente ng malaking unibersidad ay nanakot ng mga kalabang kandidato. Nakasaad din sa sulat ang balak ng dalawa na patayin si Augusto, isa pang kandidato sa pagka-mayor.
Kaya lumabas sa mga pahayagan, sa TV at radyo ang nasabing sulat ng pananakot at balak na pagpatay nina Jojo at Merto. Dahil dito, dinemanda nina Jojo at Merto si Bobby ng libel, ganoon din ang mga peryodista. Pagkaraan ng paglilitis, si Bobby lang ang nahatulang nagkasala ng siyam na beses na libel.
Kinuwestiyon ito ni Bobby. Aniya, isang privileged communication daw ang sulat niya sa Presidente dahil katungkulan niyang i-report ang nasabing mga ginagawa at binabalak sa kapakanan ng bayan. Bukod dito, wala raw siyang kasalanan dahil ang kanyang ginawa ay bahagi lang ng pulitika kung saan ang mga kandidato ay nagpapalitan ng batikos at bintang sa init ng labanan. Tama ba si Bobby?
MALI. Upang maging pribilehiyado ang isang patalastas, kinakailangan na: (1) ang nagbigay nito ay may katungkulang panlipunan, ayon sa batas at moralidad o interes man lamang na dapat ipagsanggalang o proteksiyunan; (2) ang komunikasyon ay ibinigay sa opisyal na may interes o katungkulan sa nasabing bagay, at may kapangyarihang magbigay ng kinakailangang proteksyon; at (3) ang mga nakasaad sa patalastas ay ginawa ng may mabuting kalooban at walang malisya. Sa kaso ni Bobby, ang pangalawang elemento ay wala. Bagamat ang sulat niya ay para sa Presidente ng Pilipinas, ibinigay din niya ito sa mga pahayagan. Ang ginawa ni Bobby ay walang patumanggang pamamaraan na nakasira sa reputasyon ng ibang tao at nagpapahiwatig ng malisya. (Brillante vs. Court of Appeals, G.R. 118575 & 121571, Oct. 19, 2004)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended