^

PSN Opinyon

Paalala kay Pacman

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MALAYO na ang narating ni Manny Pacquiao sa larangan ng boksing kahit na sabihin pang tinalo siya ni Erik Morales. Naniniwala ang mga eksperto na marami pang aanihing tagumpay si Pacquiao sapagkat bata pa, may angking lakas at talino na hindi makikita sa lahat ng boksingero.

Limpak na salapi na ang kinita ni Pacquiao at maaaring magkakamal pa nang marami kung magpapatuloy pa ang kanyang tagumpay. Subalit saksi ako sa mga boksingerong gaya ni Pacquiao na matapos maabot ang tagumpay ay bumulusok at hindi na nakabawi.

Marami ang nababahala sa problema ni Pacquiao na kagagawan diumano ng mga namamahala at mga kasamahan niya. May mga plano na dapat ay si Pacquiao ang magbibigay ng pinal na desisyon subalit hindi nangyayari. Lalo na ang tungkol sa mga kontrata at pera.

Nagsusugal din umano ang boksingero. Naloloko raw sa sabong at bigay daw ng bigay ng pera na parang si Santa Klaus. Mahilig din daw na makipag-inuman at halos araw-araw ay nagpupuyat at napapabayaan na ang kalusugan. Hindi raw nakapagsasanay kahit na pagmintini lang bilang boksingero.

Hindi ako nakikialam kay Pacquiao kung ano man ang gawin niya sa buhay. Paalaala lamang ang pakay ko sapagkat ang tagumpay niya ay tagumpay din ng mga Pilipino.

vuukle comment

ERIK MORALES

LIMPAK

MAHILIG

MARAMI

NAGSUSUGAL

NALOLOKO

PACQUIAO

SANTA KLAUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with