^

PSN Opinyon

Lumaspag ng $20,000 imbestigahan

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
KAHIT sa sports matindi rin ang pulitikahan. Katulad nang nangyari sa laban ni Manny Pacquiao kay Eric Morales. Ito ay tungkol sa nabalitang may isang kilalang Pilipino na tumira sa hotel na ang bayad sa kuwarto isang gabi ay $20,000 (mahigit P1 milyon).

Nang unang pumutok ang balita, kahit na hindi pinangalanan ang Pinoy, walang ibang tinutukoy kundi ang kontrobersiyal na si First Gentleman Mike Arroyo. Isa kasi si FG sa mga unang nabanggit na manunood ng laban ni Pacquiao. Nanood din ang kongresistang kapatid ni FG at ang chairman ng Pagcor na si Ephraim Genuino.

Pumasok na ang pulitika. Sinabi ng taga-oposisyon na dapat mag-imbestiga ang Kongreso kung sino ang tinutukoy na gumastos ng $20,000 sapagkat napakasagwa na may lumalaspag nang malaking pera samantalang naghihirap ang bansa at walang makain ang mahihirap.

Pinagtapat ni Bacolod City congressman Monico Puentebella na tumira nga si FG sa MGM Grand Hotel pero hindi raw ito nagkakahalaga ng $20,000. May nagsasabing libre raw itong ipinagamit kay FG. May version naman na ang nagbayad daw ng kuwarto ni FG ay kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan.

Dapat magkaroon ng imbestigasyon ang kaguluhang ito para malaman ang totoo. Kapag napatunayan, parusahan ang lumaspag. Hindi siya dapat patawarin. Nasaan ang konsensiya niya na habang may nilalaspag siyang milyong piso ay marami naman ang nalilipasan ng gutom at may namumulot ng pagkain sa basurahan?

BACOLOD CITY

DAPAT

EPHRAIM GENUINO

ERIC MORALES

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GRAND HOTEL

ISA

MONICO PUENTEBELLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with