^

PSN Opinyon

Kison vs Bigote

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
UMUBRA kaya ang tibay ni PNP Sr./Supt. Leo Kison kay PNP Region 4-A bossing Jess "Bigote" Verzosa?

Masyadong kontrobersyal si Keso este mali Kison pala dahil idineklara siyang persona non grata ng mga taga-Lucena City Council. Mataas ang ere ni Keso este mali Kison pala kaya maraming getla todits sa Lucena.

Mukhang mga jueteng lords lang ang kakampi ni Cheeze? Gusto pa palang ipa-master nito ang isang lespu at isang reporter sa kanyang jurisdiction.

Ika nga, gustong i-baon nang six feet below the ground? Paging PNP bossing Art Lomibao, Sir, ano ba ito?

Mukhang gustong sirain ni Keso este mali Kison pala ang imahe ng PNP sa mata ng madlang people kaya naman sa Lucena City ay iniisnab na siya.

Ibang klase si Keso este mali Kison pala, sobrang lakas ng loob, walang sinasanto kahit sino pati mga konsehal balewala todits. Tiyak may paglalagyan ito lalo’t si Bigote ang umupong bossing sa Region 4-A. Sabi nga, sibak ka!

For your information, isang Col. Tagoy ang papalit mga friends of mine.

Naniniwala ang mga kuwago ng ORA MISMO, na baksi ito sa kanyang puwesto bilang probinsiyano boy este mali provincial commander pala ng mga katulisan este mali ulit kapulisan pala.

"Bakit ba ang init ng ulo mo kay Keso este mali Kison pala?" tanong ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.

"Mahirap kausap ang mga lespiak na may air sa head," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Ano’ng maganda?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Dapat palitan na si Keso este mali Kison pala."

"Anong say mo Jose Pidal?"

"Iyan ang abangan natin, kamote!"

ART LOMIBAO

ESTE

JOSE PIDAL

KESO

KISON

LEO KISON

LUCENA CITY

MALI

PALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with