Kaya noong January 08, 1998 nagsampa ng aplikas-yon sa Municipal Circuit Trial Court sina Lucia upang patituluhan ang lupa ayon sa Property Registration Decree (PD 1529) at Section 44 ng Public Land Act (Commonwealth Act. CA 141 as amended by RA 6940) batay sa tuluy-tuloy, hayagan at lantad o pamumusesyon nila at ng sinundan nila mula pa nung 1958 na mahigit 30 taon na. Maipatituluhan kaya nina Lucia ang lupa?
HINDI. Mapaparehistro at mapapatituluhan ng isang tao ang lupang pambayan na hawak at inookupahan niya ng lantaran at hayag sa pamamagitan ng pagkuha ng free patent o sa pamamagitan ng pagpapasya ng hukuman. Ang section 44 ng Public Land Act na nangangailangan ng 30 taong pamumusesyon ay ukol lamang sa pagkuha ng free patent na isang paraang administratibo. Kung idadaan sa hukuman tulad ng ginawa nina Lucia, kailangan na ang kanilang pamumusesyon ay bago o magmula pa nung June 12, 1945 ayon sa Section 48 (b) at (c) ng nasabing batas. Dito sa kaso ng namumusesyon nila Lucia at ng mga sinundan nila ay nagsimula lang nung 1958 (Igtiben vs. Republic, G.R. 158449, October 22, 2004).