^

PSN Opinyon

Simula ng Mahal na Araw

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
GINUGUNITA ngayon ng mga Katoliko ang pagpasok ni Jesus sa Jerusalem. Maraming tao ang sumalubong at nagbunyi kay Jesus. Subalit makalipas lang ng ilang araw ang mga tao ring iyon ang sumigaw na ipako siya sa krus. Nilitis siya. Binayaan ni Pontio Pilato ang mga tao ang magpasya kung sino kina Jesus at sa tulisang si Barabas. Naghugas ng kamay si Pilato bilang tanda na wala siyang pananagutan sa desisyong ipako sa krus si Jesus.

Gaya ni Jesus, bawat isa sa atin ay mabigat na krus na pinapasan. Sa kasalukuyan, marami rin ang katulad ni Pilato na naghuhugas-kamay sa mga kasalanan. Sa mga hukuman ay mayroon pa ring mga tinaguriang hoodlums in robe. Marami ang napaparusahan ng walang sala at ang mga tunay na salarin ay nakakalaya. Maraming kasong mananatiling walang kalutasan gaya ng pagpatay kay Ninoy Aquino, Bobby Dacer at sa kanyang tsuper at ang malagim na wakas ng artistang si Nida Blanca.

May mga nasentensiyahan ng bitay pero hindi naman naipatupad ang hatol ng batas sa mga kadahilanang nalalambungan ng pag-aagam-agam at takot sa kapangyarihan ng ilang maimpluwensiya sa lipunan. Nagrereklamo ang pamilya ng mga biktima ng karahasan sa kawalan ng hustisya at maging ang mga human rights victims ng nakaraang rehimeng Marcos ay sumisigaw ng katarungan sa pagyurak sa kanilang karapatan at dangal at maging hinihintay nilang kabayaran mula sa Marcos ill-gotten wealth ay hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila napapakinabangan.

BARABAS

BINAYAAN

BOBBY DACER

GAYA

MARAMING

NIDA BLANCA

NINOY AQUINO

PILATO

PONTIO PILATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with