^

PSN Opinyon

EDITORIAL - Masakit ang ibinunga ng pagtitiwala't pagpapabaya

-
ANG labis na pagtitiwala at kapabayaan ang itinuturong dahilan kung bakit nangyari ang tangkang pagtakas ng mga teroristang Abu Sayyaf na nagresulta sa madugong assault noong Martes ng umaga. Patay ang 22 Abu Sayyaf na kinabibilangan ng apat na matataas na lider. Sama-sama rin silang inilibing sa isang hukay nang sumunod na araw. Hindi na sila nilinisan sa dugong tumilamsik at hindi na rin pinalitan ng damit, ayon sa praktis ng kanilang relihiyong Islam. Namatay daw na mga martir ang 22 Sayyaf.

Nasa hukay na ang mga terorista at naibabalik na nang unti-unti ng iba pang inmates sa Camp Bagong Diwa ang kanilang nabulabog na buhay pero ang dahilan ng pagtakas ng mga napatay ay iniimbestigahan pa sa kasalukuyan.

Ang labis na pagtitiwala at kapabayaan ang naging dahilan kaya nagtangkang tumakas ang mga Abu Sayyaf. Ayon sa pagsisiyasat na isinasagawa ng mga probers sa Camp Bagong Diwa, nagkaroon nang pagpapabaya ang mga guwardiya. Isang inmate ang nagsabi na ang dalawang guwardiya na nakadestino sa kanilang selda ay nakasubsob sa mesa at halatang inaantok o natutulog. Ilan pang inmates ang nakapansin sa pagiging maluwag ng mga guwardiya sa bilanggo.

Masyadong nagtiwala ang mga guwardiya sa apat na lider ng Abu Sayyaf. Madalas makita na nakikipagkuwentuhan ang isang guwardiya kay Kumander Kosovo at tinatapik-tapik pa umano ni Kosovo ang balikat ng guwardiya. Nakikipag-"high five" pa rin umano ang isa sa mga guwardiya samantalang ang isa pa ay ipinagagamit ang kanyang cell phone sa mga inmates na gustong tumawag.

Walang kamalay-malay ang tatlong guwardiya na ang mga pinagmagandahan nila ng loob na Abu Sayyaf ang babaril sa kanila. Naganap ang tangkang pagtakas matapos isilbi ang agahan sa mga bilanggo. Inagawan ng baril ang tatlong guwardiya at binaril. Patay ang tatlo. Hindi nakaporma sa inaakalang mga kaibigan.

Matapos pagbabarilin ang tatlong guwardiya, mabilis na lumabas sa selda ang mga lider ng Sayyaf at kanilang miyembro pero dalawang guwardiya ang nakakita sa kanila at sila’y pinaputukan. Isa sa dalawang guwardiya ang nasugatan. Doon na nagsimula ang 30 oras na pagmamatigas ng mga terorista hanggang sa sila’y lusubin.

Kapabayaan at pagtitiwala. Ang dalawang ganitong ugali ay hindi applicable sa mga jailguards. Ang sobrang pagtitiwala ay nakamamatay at mas lalo naman ang kapabayaan.

vuukle comment

ABU SAYYAF

AYON

CAMP BAGONG DIWA

GUWARDIYA

ILAN

INAGAWAN

KUMANDER KOSOVO

PATAY

SAYYAF

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with