^

PSN Opinyon

Selos na ang US sa lapit ng Tsina

SAPOL - Jarius Bondoc -
LIGAW-INTSIK ang tawag sa lalaking tanghaling-tapat imbis na maka-hapunan kung dumalaw sa sinisinta, may dala pang siopao. Ligaw-Intsik ang porma ng Tsina sa Pilipinas.

Kelan lang ay tumatanggap ng foreign aid ang Tsina. Ngayon ito na ang nagbibigay ng aid sa nais kaibiganin. Sa Pilipinas 10 milyon yuan ($1.3 million) military assistance ang inaalok ng Tsina. Nag-abot pa ng $250,000 na tulong sa salanta ng mudslides sa Quezon at Aurora nu’ng Nobyembre.

Kalaban ng Tsina sa Spratlys ang Taiwan, Vietnam, Malaysia, Brunei at Pilipinas. Pero bukod tanging sa Pilipinas ito nakipagkasundo ng joint oil exploration sa Spratlys.

Nagpapautang ang Tsina ang $240 milyon, five years grace period at 5 percent interes lang, para matuloy na ang Northrail mula Caloocan hanggang Malolos at Clark Field. Daig nito ang naunang offers ng Spain at US, mga dating sumakop sa Pilipinas. Nangangako rin ang Tsina ng $7 bilyong investment sa mga minahan sa Pilipinas. Hindi makakibo ang America.

Nangangamba ang US sa ligaw-Intsik. Nagbibigay ng military aid ang US, pero nakatali ito sa pagdikta nila ng dapat bilhing kagamitan ng AFP. Sa trade mas maraming binebenta ang US kaysa binibili sa Pilipinas. Ang Tsina baliktad, mas maraming binibili kaysa binebenta sa Pilipinas. Nadadaig ang US ng ligaw-Intsik. Kaya kinakasangkapan ang Japan para ipitin ang Pilipinas, simula sa pagpapatalsik sa entertainers.

Nagising na ang sleeping giant. Ang ekonomiya ng Tsina lumalago nang 15-19 percent kada taon. Dati itong nag-e-export ng coal at diesel. Ngayon, binibili na niya ang sobrang uling at langis ng mundo, kaya nagmamahal. Binibili rin lahat ng bakal para sa industriya’t de-lata, Nagsisikip na nga lahat ng seaports sa mundo dahil sa kalakal papasok at galing sa Tsina.

Sa paglakas ng ekonomiya, pinalalaki rin ng Tsina ang militar nila. Taun-taon lumalaki nang 18 percent ang military spending. Kinakabahan ang America na baka lusubin nito ang Taiwan at unahan pa ang Japan sa pagiging policeman of Asia. Nagseselos na sa ligaw-Intsik sa Pilipinas.

ANG TSINA

BINIBILI

BRUNEI

CLARK FIELD

INTSIK

NGAYON

PILIPINAS

SA PILIPINAS

SPRATLYS

TSINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->