^

PSN Opinyon

Coco-biodiesel obligahan sana

SAPOL - Jarius Bondoc -
PARAMI na nang parami ang gumagamit ng coconut biodiesel. Subok kasing tumitipid sa konsumo ng krudo at kumokonti ang emissions ng sasakyan. P65 ang isang litrong lata; kalahati lang ang kailangan ihalo kada 50 litro ng krudo. Pero karamihan buong lata ang hinahalo, ‘yung iba dalawang lata. Pabor na sa sarili, pabor pa sa kalikasan.

Sa US ang biodiesel ay galing sa soybean. May sariling oil wells sila, pero umaangkat pa rin ng 25 percent ng krudo mula sa Middle East. Pero para mabawasan ang pagasa ng ekonomiya nila sa imported fossil fuel at upang pasiglahin ang agrikultura, nagbigay ang gobyerno ng tax incentives sa pagproseso at paggamit ng biodiesel. Binabalak ding obligahin ang mga gasolinahan na haluan na agad ng 20 percent (10 litrong biodiesel kada 50 litro ng krudo) biodiesel ang binebentang krudo.

Sa Germany mahigpit ang environment laws. Para mabawasan ang air pollution, 40 percent (20 litrong biodiesel sa bawat 50-litrong full tank) ang batas. Wala silang sariling oil wells. Lahat ng krudo ay imported.

Sa Pilipinas utos ni Presidente Arroyo ang 1 percent blend (kalahating litro kada 50-litrong karga) sa lahat ng diesel vehicles ng gobyerno. Nabuhayan ang coconut industry. Lumaki nang konti ang kita ng mga magniniyog sa Quezon dahil sa dalawang pabrika roon ng coco-biodiesel. Hindi na lang sila sa pagkokopra umaasa.

Mas sisigla ang coconut industry kung itataas ni Gng. Arroyo sa 2 percent blend (1 litrong biodiesel kada 50-litrong full tank) ang karga sa diesel vehicles ng gobyerno. At mapapayaman natin ang 3 milyong magniniyog kung obligahin ng Departments of Energy, Agriculture at Environment ang oil companies na mag-2 percent blend din sa lahat ng bentang krudo.

May pag-asang bumaba ang coco-biodiesel price tag na P65 per liter kung may economies of scale at kompetisyon. Kapag inobligang 2 percent blend, magtataas ng produksiyon ang dalawang kasalukuyang processors pero sa dating gastos. Dadami rin ang sasali sa negosyong ‘yon, magpapababaan ng presyo. Makikinabang din ang consumers at lilinis pa ang hangin.

vuukle comment

BIODIESEL

DEPARTMENTS OF ENERGY

KRUDO

LITRONG

MIDDLE EAST

PERO

PRESIDENTE ARROYO

SA GERMANY

SA PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with