^

PSN Opinyon

Barangay capts. sa QC District 2 umalma sa DPWH

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
GUSTO palang patalsikin ng majority ng mga barangay captains sa District 2 ng Quezon City ang ulo ni Oscar Cammayo, bossing ng QC 1st District Engineering Office.

Ito kasi ang lambing ng mga Barangay Captains kay DPWH bossing Hermogenes E. Ebdane Jr., sa letter na ipina-received nila noong Feb. 28, 2005 sa tanggapan ng huli.

Ang sabi sa sulat ng mga barangay captains… ‘‘for the transparent execution of reform in your Department, we strongly urge for the immediate implementation of reshuffle of all District Engineer, particularly in the First Engineering District so that a new team will focused on serving the interest and expectations of our people.’’

Isa pa sa nagrereklamo kay Cammayo ay si QC 2nd District Representative Annie Rosa Susano, hinggil sa isyu ng 2004 School Buildings kasi nawawala raw ang funds nito.

Kaya si Susano ay humingi ng tulong sa Department of Budget and Management para mag-imbestiga tungkol sa funding ng 2004 school building.

Kinikuwestiyon ni Susano, kung puwedeng magpa-bidding at mag-award ng school project kahit na walang guidelines ang Department of Education at SARO galing sa DBM.

Sabi nga, na hokus-pokus ang funding.

Totoo kaya ang balita?

Nagtatanong lang po ang mga kuwago ng ORA MISMO, tungkol sa isyu DPWH bossing Jun Ebdane, Your Honor!

Sa parte ng DBM dehins na pala sila ang hahawak ng case porke naghugas-kamay sila kasi ipinasa naman nito sa DPWH ang investigation.

Nailabas na raw kasi ang budget regarding sa project kaya alaws na silang pakialam?

Siyanga pala, noong nakalipas na month nanggagalaiti sa galit ang mga motorists na dumadaan sa may Commonwealth dahil sa construction ng isang project diyan na nagdulot ng nakakakilabot na traffic.

Kaya naman sandamakmak ang na-highblood hindi dahil sa pagkain ng bawal na mani este mali pagkain pala kundi sa idinulot na traffic problem.

‘‘Bakit giniba ang daanan ng hindi naman ito sira?’’ tanong ng kuwagong manunuklap.

‘‘Siyempre mas madaming construction mas pabor sa kanila dahil tiyak maraming pitsang papasok sa kanilang wallet,’’ sagot ng kuwagong natalo sa jueteng.

‘‘Ano ang dapat gawin?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Rebisahin ang mga project para naman hindi sa bulsa ng mga kamote mapunta ang pondong inilalaan ng government,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ano ang mabuti?’’

‘‘Iyan ang abangan natin, kamote?’’

ANO

BARANGAY CAPTAINS

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF EDUCATION

DISTRICT ENGINEER

DISTRICT ENGINEERING OFFICE

DISTRICT REPRESENTATIVE ANNIE ROSA SUSANO

EBDANE JR.

FIRST ENGINEERING DISTRICT

HERMOGENES E

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with