EDITORYAL No. 2
March 10, 2005 | 12:00am
ILANG araw pa lamang ang nakalilipas nang ihayag ng United States Department na number 5 ang Pilipinas sa pag-eexport ng methamphetamine hydrochloride o shabu at kamakalawa lumabas naman sa isang survey na number 2 ang Pilipinas sa Asia sa pagiging most corrupt. Nangunguna ang Indonesia sa pagiging corrupt na may gradong 9.10 samantalang ang Pilipinas ay 8.80. Nasa ikatlong puwesto ang Vietnam, sinundan ng India, China, Thailand, Malaysia, South Korea, Taiwan, Hong Kong at Japan. Pinakamababa ang naitalang corruption sa Singapore na may gradong 0.65.
Nang lumabas ang report ng US Department na number 5 ang Pilipinas sa major exporter ng shabu, maraming mambabatas ang umangal. Hindi raw makatarungan ang pagkakasama ng Pilipinas bilang shabu exporter. Parang pinalalabas pa ng US na walang ginagawang hakbang ang gobyerno para masulusyonan ang problema sa illegal drugs.
Ngayong lumabas na number 2 sa Asia sa pagiging corrupt ang Pilipinas, umangal pa rin kaya ang mga mambabatas? Hindi na marahil sila makaaangal sa survey sapagkat magiging katawa-tawa sila sa buong mundo kung patuloy na ipagtatanggol ang mga gumagawa ng katiwalian. Paanoy marami na ring negosyanteng dayuhan ang kabisado na ang mga "likaw ng bituka" ng mga corrupt sa pamahalaan. Kaya nga sila umangal kay President Arroyo may isang taon na ang nakararaan dahil sa nararanasang katiwalian sa mga tanggapan. Nagbanta sila na aalisin ang negosyo nila rito sa Pilipinas. Noon itinatag ni Mrs. Arroyo ang "lifestyle check" at ang Presidential Anti-Graft Commission.
Maraming kampanya ang gobyerno laban sa mga corrupt pero walang kinahinatnan. Hindi nakapokus ang pamahalaan laban sa mga tiwali. Ningas-kugon ang nangyayari. Mas masaklap pa ang nadadakma ay maliliit na isda at ang mga pating ay nakatatakas. Walang ngipin ang batas kaya patuloy ang paglaganap ng corruption.
May mga nadakma nang opisyales ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue at sinuspinde na sa kanilang trabaho. Katulad ni Customs Deputy Commissioner Reynaldo Nicolas na umanoy may hindi maipaliwanag na yaman. Ang nakapagtatakay sinuspinde lamang si Nicolas sa loob ng 90 araw. Pagkatapos ng suspensiyon balik na naman siya sa puwesto. Susuwelduhan na naman ng taumbayan at saka magnanakaw? Ganyan kaluwag ang gobyerno kaya naman patuloy ang mga corrupt.
Hindi nakapagtataka kung bakit number 2 sa Asia ang Pilipinas sa pagiging corrupt. Walang ngipin ang batas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended